19.1

1.3K 27 1
                                    

(K E V I N)

Ilan'g beses ko nang tinawagan si Hani pero palagi'ng hindi niya sinasagot. Siguro binabalewala niya ako dahil may Stan na siya—pero bakit ganun? Ayoko'ng mapunta ulit siya kay Stan, parang madudurog ang puso ko kapag naiisip ko 'yun.

   Hindi na ako nakatiis, hindi ako mapapakali kapag hindi ko nakita si Hani, at baka kung ano'ng mangyari sa kanila'ng dalawa ng Stan na ‘yun.

   Lumabas ako ng opisina ko at nagbilin kay Lani na mag-a-undertime ako. Papasakay na sana ako ng elevator pero hinabol ako ng executive assistant ko.

     “Sir, sorry po. Pero may emergency ho kasi sa suite 231. May naglalasing ho kasi'ng intsik dun at nanggugulo sa iba'ng mga guests.”

   Napabuntong-hinga ako at mas inuna ang trabaho kesa sa puntahan si Hani sa Nueva Ecija. I should be more professional and logical than runaway and ruin my wife's day off just because I'm overthinking and jealous. Kahit na gusto'ng-gusto ko na sundan siya, mas kailangan naman ako sa hotel.

   Sa pag-uwi ko ng bahay ay wala'ng tigil na naman ako sa pagtawag kay Hani, ngunit hindi pa rin niya ako sinasagot. Inis ko'ng tinapon ang cellphone sa kama at padabog na humiga rito. Salubong ang mga kilay ko habang kinukuha ang libro'ng binabasa ko parati.

   Pero ilan'g saglit pa ay sinulyapan ko ang cellphone na nasa gilid ko.

   Napabuntong-hinga ako't sinubukan na kontakin si Hani.

 



( H A  N  I )

Yakap-yakap ko ang mga tuhod ko habang nakahiga na sa tabi ko si Ces sa papag sa loob ng kwarto ko sa bahay nina Tiya'ng Esme at Tiyo'ng Oscar. Nakatitig ako sa paanan ng papag at binabawela ang naririnig ko'ng tunog. Makailan'g beses na rin'g nagri-ring ang cellphone na katabi ko pero hindi ko pinapansin.

     “Ba’t 'di mo sagutin?” tanong ni Ces.

     “Ayoko nga'ng makausap si Kevin.”

     “Sinungaling. Alam mo kapag in love talaga ang isa'ng tao, nagiging hobby niya ang pagsisinungaling. Noh? Pansin mo ba ‘yun? Kasi ako? Pansin na pansin ko.” panunuya niya.

   Kumunot ang noo ko at tiningnan si Acesia.

     “Matulog ka na nga lang diyan.” nainis ako bigla.

     “Sagutin mo na kasi ang tawag. Kanina pa 'yan eh, hindi ako makakatulog niyan dahil sa ingay ng ringtone mo.”

     “Ayoko nga'ng makausap si Kevin, umiiwas nga ako diba? Nag-aadjust pa ako.”

   Bumangon bigla ang kaibigan ko.

     “Ayaw raw makausap. Hani, kung talaga'ng ayaw mo'ng makausap si Kevin, eh di patayin mo ang cellphone mo para hindi mo na marinig ang tawag niya." may point siya.

   Lalo'ng kumunot ang noo ko.

     "Pero sa ginagawa mo, mukha'ng gusto'ng-gusto mo'ng naririnig na nagriring ang cellphone mo, ibig sabihin nun, hoping ka na tatawag siya nang paulit-ulit.”

     “Ang dami mo naman'g theorems diyan.”

     “Hindi 'yun theories lang noh? Postulate na’to. Proven and tested na at may ebidensya na.”

     “Ewan ko sa’yo.”

     “Ayaw mo talaga'ng sagutin ang tawag?”

     “Ayoko nga.” sabay iwas ng tingin.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now