Chapter 21: I'll Wait

1.4K 20 4
                                    

(K E V I N)

Linggo ng umaga, maaga'ng pumunta si Engr. Pascual sa bahay para mapag-usapan namin ang tungkol sa plano ko'ng pagpapagawa ng swimming pool. Matagal ko na talaga'ng pangarap na magkaroon nang sarili'ng pool. Sa bahay kasi namin nun ayaw na ayaw ni Mama na magpagawa kami ng pool dahil liliit daw ang space ng flower garden niya, at dahil siya ang boses ng pamilya namin, 'yun'g gusto niya ang masusunod. Buti nalang at nakabukod na ako ngayon sa balwarte ng Mama ko kaya magagawa ko na lahat nang gusto ko.

     “Okay na’to, engineer, pasado na 'yun'g design na’to.” sabi ko kay Engr. Pascual habang tinitingnan ko ang plano.

     “Salamat, Mr. Romero, we’ll be starting the construction next week.”

     “Sige ho. Salamat rin po at napakahaba ng pasensya niyo sa’kin. Pasensya na rin kung masyado ako'ng strikto sa desinyo nang ipapagawa ko'ng pool.”

     “No problem, Sir.”

   Ngumiti ako at nakipagkamay kay Engr.

     “Thank you ulit, engineer.”

     “Sige ho, Sir, uuwi na ako.”

     “Meryenda po muna kayo.”

     “Hindi na, Mr. Romero, may family bonding po kasi kami ng pamilya ko. Eh nagpaalam lang ako saglit kay Misis, buti nga pumayag.”

     “Ganun ho ba? Um sige ho. Ingat nalang po kayo sa biyahe.”

     “Thank you, sir.”

   Nang makaalis na si Engr. Pascual ay saka naman dumating si Hani na puno nang pagtataka ang mukha.

     “Sino 'yun, ulupong?”

     “Si Engr. Pascual, nagplaplano kasi ako na magpagawa ng pool.”

   Nanlaki ang mga mata ni Hani.

     “Ha? Magpapagawa ka ng pool?”

     “Narinig mo naman ang sinabi ko diba?”

     “Pilosopo.” napipikon'g sagot ni kutong-lupa at napakamot siya sa likod ng tenga niya, “Eh bakit nga ba biglaan 'yan'g plano mo?”

     “Wala lang, gusto ko lang na palagyan ng pool ang bahay, alam mo naman na isa sa stress relievers ko ang paglangoy.”

     "Shokoy ka kasi."

     "Ano'ng sabi mo?"

     “Kailan sisimulan ang construction?”

     “Next week siguro.”

     “Ah, ok.”

     “Mag-grocery ka ngayon. Chineck ko ang laman ng ref at ang dami nang wala, puro gulay nalang ang nandun at alam mo naman na ayoko'ng kumain nun. Kaya mag-grocery ka, may ginawa ako'ng listahan, nandun sa nook.”

   Ang mga sinabi ko ang nagpasalubong na naman ng kilay niya na may kasama pa'ng snarling lips. Ramdam ko ang ggil niya.

     “Okay, fine." she surrendered, "Wala naman ako'ng magagawa kung magrereklamo pa ako.”

     “Buti naman at alam mo 'yun.”

   Inirapan niya 'ko

     “Gumawa ka na ng breakfast. Gutom na 'ko.”

   Kung sa cartoon character pa, umuusok na sa inis ang ilong ni Hani.

     “Oo na ho, sir.” dinilatan pa niya ako ng mga mata niya.




BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now