33.1

1.2K 27 2
                                    

 ( H A  N  I )

Nang nasa loob na ako ng taxi pauwi ng bahay namin ni Kevin ay naisipan ko'ng puntahan si Ate Rana. Na-miss ko kasi si Ate. Gusto ko na rin'g aminin sa kanya ang lahat. Panahon na para itama ko ang mga kasinungalingan ko. Kaya siguro ako pinarurusahan kasi nagsinungaling ako sa mga tao'ng malapit sa’kin.

     “Ba’t namumugto 'yan'g mga mata mo? Umiyak ka ba?” tanong agad ni Ate Rana nang makita niya ako sa labas ng pintuan ng boarding house.

   Tinitigan ko lang si Ate, napayakap siya pagkatapos.

     “Ate.” pagngawa ko.

     “Hani, ano'ng nangyari?” tanong ni Ate habang hinahaplos ang likod ko.

   Pumikit ako at mas lalo'ng niyakap si Ate. Kumalas siya at tiningnan ako.

     “Dun tayo mag-usap sa loob.” sabi niya sa’kin. Suminghot-singhot ako. Umakbay siya sa'kin para e-guide ako papasok ng boarding house.

   Nang makaupo na ako sa bangko ay kumuha naman ng tubig si Ate sa kusina.

   Yumuko lang ako habang nagpupunas ng luha ko at pinilit kumalma. Akala ko ubos na ang luha ko sa kakaiyak ko kanina'ng umaga at noon'g kasama ko si Mama, pero may natira pa pala. Mukha'ng buo'ng araw nalang ako'ng umiiyak. Ngunit kahit ano'ng dami ng iyak ko, hindi pa rin nawawala ang sakit na nasa puso ko.

     “Uminom ka muna.” si Ate Rana sabay abot ng tubig bago ay umupo sa tabi ko.

     “Ngayon sabihin mo sa’kin ang dahilan kung ba’t umiiyak ka. Sinaktan ka ba ni Kevin? Pinagbuhatan ka ba niya ng kamay?” habang hawak-hawak ko na ang baso.

     “Hindi, Ate.” pagtanggi ko.

     “Kung gano'n ba’t ka umiiyak?”

   Tinitigan ko siya. Napaiyak na naman ako.

     “Ate, sorry... sorry kasi niloko kita.”

     “Ha? Hindi kita maintindihan.”

     “'Yun'g kasal namin ni Kevin...”

     “O, bakit?”

     “Peke 'yun.” naging pag-amin ko. Ang sakit din pala'ng aminin ang totoo.

     “Ha?”

     “Pero ligal naman po 'yun.”

     “Te—teka nga, peke pero legal? Hindi ko maintindihan.”

   Pinunas ko ang luha ko at napalunok saka nilapag muna ang baso sa mesa.

     “Ikinasal kami nang hindi namin alam na ikakasal kami sa araw na’yun. Lahat po 'yun pinlano lang ni Mama Danita, wala na kami'ng nagawa dahil na-trap na kami sa sitwasyon, kaya pumayag nalang kami na maikasal kahit wala kami'ng nararamdaman sa isa’t isa.” pagtatapat ko.

   Hindi agad nakapagsalita si Ate.

   Unti-unti'ng namuo muli ang luha sa mga mata ko sa sandali'ng tahimik si Ate Rana.

     “Hani."

   Matamlay ako'ng ngumiti.

     "Ba’t mo ginawa 'yun? Ba’t ka pumayag? Sa pagkakakilala ko sa'yo, hindi ka ganyan. Hindi ka agad gagawa ng bagay na alam mo'ng hindi makakabuti sa'yo. Hani, ano'ng nangyari?”

     “Malaki ho ang utang na loob ko kay Mama, Ate. At isa pa, ayoko'ng maging disappointment na naman kay Tiyang Esme. Nakita ko na nagtampo siya nung ikinasal ako kay Kevin, at baka hindi ko kayanin kapag may nangyari'ng masama sa kanya 'pag sinabi ko na hindi ko naman talaga mahal si Kevin pero nagpakasal pa rin ako sa kanya.”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now