Chapter 20: Heart Heart

1.4K 28 2
                                    

(K E V I N)

It was a normal day for me. Woke up, got myself ready for work and sent Hani to school. Until I noticed the flowers and balloons being sold at the street side, it was only by then that I realized what day that was. Sa sobra'ng busy ko sa trabaho, sa sobra'ng abala ko rin para sa Valentine season ng hotel ay hindi ko namalayan na 'yun na pala ang araw na ginugunita ng mga nagmamahalan. For me, Valentine's day is for the whole month of February, pang-isa'ng buwan ang celebration sa hotel—first day pa lang ng buwan ay may decorations na for the season—kaya I lost count on the daily dates.

   Tahimik lang din si Hani kaya wala'ng nag-remind sa'kin na February 14 na pala. Basta sa pagkakaalala ko, I told my executive assistant to book a reservation for me and Hani sa isa'ng restaurant. And my memory did serve me right, pagdating ko ng opisina ay agad sinabi ni Lani sa'kin ang schedule ko sa araw na 'yun—kasama na nga ang dinner namin ni Hani.

   Sa paglilibot ko sa hotel ay nakasalubong ko naman si Clark na kakatapos lang sa pakikipagtawagan at nakangiti pa. Valentine's Day 'yun kaya mukha'ng pinana na naman siguro ng kalandian ang puso niya.

     “O, Kevin.” good mood na good mood siya.

     “Sino na naman ba'ng nauto mo'ng babae ha?”

     “Ano ka ba? Hindi ako pwede'ng maging loveless ngayon'g Valentine's. Ayoko'ng maungusan mo kaya dapat may babae rin ako'ng kasama ngayon.”

     “Alam ko naman kung ano'ng habol mo sa mga babae ngayon.”

     “Kaibigan nga kita pero hinuhusgahan mo naman ako.”

   Ngumiti ako.

     “Kesa naman kunsintihin ko ang mga pambababae mo.”

     “Pasalamat ka may asawa ka na kaya hindi mo na kailangan ng iba'ng babae na aaliw sa malalamig mo'ng gabi. Siyanga pala, sa’n niyo balak e-spend ni Hani ang napaka-intimate na season na ‘to?”

     “Kakain kami sa labas.”

     “Ede-date mo lang siya?”

     “Oo.”

     “'Yun lang? Well sabagay, mas importante naman 'yun'g mangyayari mamaya'ng gabi kesa sa dinner date.” pilyo'ng sagot ni Clark.

     “Pwede ba, tigilan mo ang pangingialam sa’min'g dalawa?”

   Natawa si Clark.

     "Magkakaro'n na ba ako nang inaanak pagkatapos ng gabi'ng 'to?"

   Matalim ko lang siya'ng tinitigan.

     “Aalis na 'ko, General Manager, may kailangan pa pala ako'ng asikasuhin.”

   Alas singko ng hapon ay umalis ako ng hotel dahil balak ko nga'ng surpresahin si Hani ng isa'ng Valentine date. Dumaan muna ako sa isa'ng flower shop at nadatnan ko'ng marami'ng mga tao ang nandun na bumibili rin ng bulaklak. Thirty minutes rin ang hinintay ko bago ko makuha ang bouquet of pink and red roses na para kay Hani.

( H A  N  I )

Valentine's Day. Ang sarap pakinggan ng araw na’to lalo na kung may kapartner ka. Ako kaya? May kapartner naman ako, pero sino naman kaya ang gusto niya'ng e-date? Ako na asawa niya, o si Monique na mahal niya?

   Duh. Nagtanong pa ako. Siyempre dapat ako! Tama?

     “Ano'ng plano niyo ni Kevin sa araw na’to?” tanong ni Lea habang naglalagay ng foundation sa mukha at ako naman ay naghuhugas lang ng mga kamay sa ladies room.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now