20.1

1.2K 28 1
                                    

(K E V I N)

Nasa banyo si Hani at nagpunta ako sa walk in namin para dun nalang magbihis ng damit pambahay. Matapos ko'ng gawin 'yun ay umupo na ako sa kama at nagbasa ng libro. Minuto ang dumaan, sa paglipat ko ng pahina ay siya'ng paglabas ni Hani ng banyo. Napatingin ako sa kanya, pero parang lutang na naman ang babae'ng 'yun, mula sa banyo ay umupo na rin siya sa kama—ni hindi man lang niya napansin na nakatitig ako sa kanya.

     “Kaya pala ang sakit-sakit ng puson ko kanina.” sinabi niya bigla habang nakatingin sa katapat na pader, 'yung mukha niya sobra'ng cute dahil sa kunot-noo niya'ng ekspresyon. Ang sarap pisilin ng mga pisngi niya.

     “Bakit? Hindi mo ba alam na magkakaroon ka ngayon?” tanong ko na nagpatingin sa kanya sa’kin.

   Umiling siya.

     “Hindi, akala ko sa susunod na dalawa'ng araw pa. Mali siguro 'yun'g bilang ko.”

   Napangiti ako at sinara ang binabasa ko'ng libro tapos ay pinatong ko na ‘yun sa side table.

     “Sayang. Akala ko pa naman pwede tayo'ng mag—” hindi ko na tinuloy ang sinabi ko.

     “Mag-ano?”

     “'Yun'g ano.”

     “Ano nga?”

     “'Yun'g ano nga.”

     “Ano'ng ano nga?”

     “'Yun'g kwan.”

     “Ano'ng kwan?”

   Ngumiti ako at hiniga nalang siya bigla sa kama na sobra'ng ikinagulat niya.

     “Alam mo na?” pilyo'ng tanong ko.

   Kumunot ang noo niya at aalis sana pero hinawakan ko ang dalawa'ng pulso niya sa magkabila'ng kamay.

     “Pa’no natin gagawin 'yun eh may dalaw ka?” pang-aasar ko sa kanya.

   Mabilis namula ang leeg at mukha ni Hani. Ramdam ko rin ang pagbilis ng pulso niya sa kamay.

     “Bitiwan mo nga 'ko.” matapang na pagkakasabi niya.

     “Ayoko nga. Kiss muna.”

     “Kadiri ka!”

     “Hinalikan mo kaya ako kanina kaya dapat lang halikan rin kita.”

     “Subukan mo lang sasapakin talaga kita!”

   Ngumiti ako at inilapit ang labi ko sa labi niya pero pilit umiiwas si Hani habang nakapikit.
  
   Natawa nalang ako at hinalikan ang ilong niya.

     “Akala mo naman sa labi kita hahalikan. Espesyal ang labi ko kaya hindi mo 'to basta-basta'ng mahahalikan.” habang bilog na bilog na naman ang mga mata niya sa gulat.

   Umalis na ako ng kama, inis na bumangon si Hani at tinapunan ako ng isa'ng unan.

     “Kapal rin ng mukha mo. Mas lalo naman ako, super sacred ng labi ko at wala pa'ng nakakahalik sa’kin.”

     “Talaga? Wala ka pa'ng first kiss?”

     “Wala pa. Wala pa naman ako'ng nagiging boyfriend kaya wala pa'ng nakakahalik sa’kin.”

   Tumango-tango ako.

     “Wala rin naman'g gusto'ng humalik sa’yo.” at iniwan ko siya sa loob ng kwarto.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now