22.1

1.3K 24 7
                                    


( K E V I N )

Sa sumunod na umaga, maaga ako'ng nagising at pumunta sa kusina para ipagluto ng breakfast si Hani. Gumawa ako ng french toast, orange-apple-carrot vegetable salad at nagluto rin ako ng smoked salami tapos dagdagan na rin natin ng freshly squizzed na orange juice. Habang inaayos ko na ang mga pagkain sa terrace ay saka naman dumating si Hani na tumatakbo pa palapit sa’kin.

     “Wow, ang dami'ng pagkain, at pang-sosyal pa.” nakangiti'ng sabi nya habang nakahawak sa sandalan ng bangko.

   Ngumiti ako at binati siya.

     “Happy birthday.” habang nakasuot pa rin ng apron.

     “Thank you.”

     “Maupo ka na, para masimulan na natin ang number 2 sa listahan mo.”

     “Ok.” sobra'ng tamis nang ngiti na binigay niya sa'kin sa araw na 'yun.

   Pakiramdam ko, buo na ang araw ko sa ngiti niya.

   Maging sa noon'g kumakain na kami'ng dalawa ay naging madaldal ulit siya, dala na rin siguro nang sobra'ng saya.

     “Alam mo ba? Nung hindi ko pa nakilala si Mama Danita, kapag nagbibirthday ako, isa'ng kainan lang?”

     “Ha?”

     “Kunwari, diba birthday ko ngayon? Tapos 'pag masarap ang pagkain ko sa almusal, hanggang almusal lang 'yun tapos 'yun'g tanghalian at hapunan ko, simple nalang. Hindi ko kailanman naranasan na buo'ng araw talaga ay sini-celebrate 'yun'g birthday ko. Ang hirap kaya ng buhay tapos kung magse-celebrate pa ako, sayang pera.”

     “Pero kaya nga birthday diba? Ibig sabihin dapat ka'ng maging espesyal sa buo'ng araw na ‘yun.”

     “Hindi rin. Eh masaya nga ako sa buo'ng araw pero pagtapos na ang birthday ko, haharapin ko naman 'yun'g mga naging utang ko para sa ginastos ko sa handaan. Nakakainis kaya 'yun'g ganun.”

     “Pero at least sumaya ka, kahit isa'ng araw.”

     “Sabagay.”

   Ngumiti ako at nagpatuloy na sa pagkain.

     “Oy, kainin mo 'yan'g lettuce.” utos niya. Parang si Mama dati.

   Matalim ko siya'ng tiningnan.

     "Ikaw may gawa niyan, kainin mo."

     “Ayoko sa lasa nito.”

     “Sus. Diba mayaman ka? Kaya dapat sanay ka sa mga salad-salad na ‘yan.”

     “Eh sa ayoko nga ng gulay.”

     “Bahala ka.”

   Matapos ng almusal ay agad na kami'ng nagsibihis para pumunta ng simbahan at umattend ng 6:00 am mass.

( H A N I )

Nasa loob na kami ng simbahan at naghihintay sa pagsisimula ng misa. Lumuhod muna ako at nagdasal nang nakapikit ang mga mata.

     “Lord, thank you po sa lahat ng blessings na binigay Mo sa’kin. Sa loob nang dalawa'ng taon na nakasama ko ang pamilya nina Kevin, nag-iba ang buhay ko, unti-unti ko nang natutupad ang mga pangarap ko."

   Napangiti ako habang inaalala ang mga ginawa para sa'kin ng pamilya Romero.

     "Salamat po talaga, at salamat na rin po kasi nandiyan si Kevin.”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon