26.1

1.3K 28 0
                                    

(K E V I N)

Nag-check in kami sa hotel na fifteen minutes lang ang layo mula sa airport. Naligo agad ako at nagpahinga muna pagkatapos. Si Hani naman, babad na naman sa social media at pakikipag-chat—bago ako matulog ay siniguro ko muna na hindi nga si Stan ang kausap niya.

     "Hindi ko sisirain ang promise natin kaya matulog ka na."

     "Hindi ka ba magpapahinga rin?"

     "Masyado'ng mataas ang energy ko para matulog. Kaya sige na, pahinga ka na."

     "Ba't ang bait mo ngayon? May binabalak ka noh?"

     "Wala po. Sige na, pahinga ka muna. Dito lang ako." inayos pa niya ang kumot ko.

     "Hindi mo ba talaga kakausapin si Stan?"

     "Hindi nga."

     "Bahala ka, ikaw lang din naman ang makakarma kapag nagsinungaling ka."

   Natawa siya.

      "Magpahinga ka na nga lang."

   Kaya lang pala mabait si Hani sa'kin ay dahil sa ako ang tour guide niya sa bakasyon na 'yun. I knew it. Alam ko hindi siya magiging mabait nang wala man lang dahilan. 'Yun'g babae'ng 'yun talaga.

   The trip was going smooth so far. Hindi pa kami nagkakaaberya simula nang dumating kami sa Bangkok. Alas singko ng hapon ay lumabas kami ng hotel para puntahan ang una'ng lugar na gusto ko'ng makita niya. Hindi aabot sa sampu'ng minuto ang biyahe papunta sa Wang Lang Market mula sa tinutuluyan namin.

     "Parang Divisoria na Binondo rin pala rito." naging puna niya habang may hawak na travel book tungkol sa Thailand.

     "Isa 'to sa pinaka-busy na palengke sa kanila. Kung ang makisalamuha sa mga locals ang habol mo, mas maganda'ng puntahan 'to dahil sa authenticity ng lugar. 'Yun'g pagkainan nila dito, talaga'ng dinadayo ng mga turista dahil pagkain naman ang isa sa mahalaga'ng parte ng isa'ng kultura, at sa palengke'ng 'to, mararamdaman mo ang kultura talaga nila."

   Nakanganga lang siya habang nagpapaliwanag ako.

     "Wow, pa'no mo nalaman 'yun?"

     "Nabasa ko diyan sa hawak mo'ng libro."

      "H-ha?" sabay tingin sa libro, "Ano'ng page?"

     "Puro kasi pictures ang tinitingnan mo."

   Napatingin siya ulit sa'kin.

     "Sorry naman. Pero teka, sa'n ba may mabibili'ng tsokolate rito?"

   Natawa ako bigla.

     "Bakit?" nanghahamon niya'ng tanong sabay tapik sa braso ko.

     "Tsokolate pa rin talaga ang iniisip mo?"

     "Alangan naman'g ikaw."

     "Ano?"

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now