5.1

1.3K 30 1
                                    

 (K E V I N)

Pag-uwi ko ng bahay ay hindi ko na naman nadatnan si Hani, maka-ilan'g beses ko rin'g tinawag ang pangalan niya pero wala'ng sumasagot.

     “Baka tumakas na naman ‘yun.” nasabi ko.

   Pumunta na ako ng kwarto namin para magbihis. Sa paglabas ko ulit ay nanatili ako sa living room ng second floor at binuksan ang laptop para kausapin si Monique.

   Buti nalang at online siya sa Skype kaya agad ko siya'ng tinawagan.

     “Hi.” nakangiti niya'ng bati sa’kin.

     “Hi.” matipid ko'ng sagot.

     “Kumusta ang buhay may asawa?”

     “Monique, gusto ko sa—”

     “It’s okay. Naiintindihan ko. Hindi ko naman hawak ang puso mo. Wala na ako'ng magagawa kung na-in love ka sa iba habang magkalayo tayo."

   Nakaramdam ako ng lungkot.

     "And one more thing, wala naman tayo'ng relasyon diba? What we have were promises, at hindi naman lahat ng pangako natutupad.”

     “I’m sorry.”

     “I admit nagalit ako sa’yo. Galit na galit, kaya nga sinubukan ko'ng tawagan ka pero hindi kita ma-contact so I assumed na it’s over.”

     “Sana mapatawad mo 'ko. Alam ko ako 'yun'g una'ng bumali ng pangako natin.”

     “Why did you get married? At pa’no mo napapayag si Tita?”

     “Gusto'ng-gusto ni Mama si Hani.”

     “Ah, so may extra points pala ang babae. Good, good for her at hindi niya mararanasan ang mga naranasan ko'ng pangbabalewala ni Tita Danita nun kapag magkasama tayo.”

     "Monique."

     "I'm okay, Kevin. Seryoso."

   Bumuntong-hinga ako.

     “Okay na ba tayo? Hindi ka na ba galit sa’kin?”

     “Wala na ako'ng magagawa kung magagalit pa ako sa’yo. You’re still my friend, Kevin at mahalaga sa’kin ang friendship natin. I can move on, and wala ako'ng iba'ng magagawa kundi maging masaya para sa’yo.”

   Ngumiti ako.

     “Thank you.”

     “You’re welcome. Kailangan ko nang umalis, may trabaho pa ako eh. Let’s just talk some other time okay?”

     “Sige.”

     “Good night.”

     “Have a good day there.”

     “I will, bye.”
 
   Matapos nang pag-uusap namin'g 'yun ni Monique ay nakahinga ulit ako nang maluwag. Siguro nga kailangan na namin'g mag-move on sa isa’t isa. At kung kami talaga sa huli, gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para magkatuluyan kami.

   Sinara ko na ang laptop at binalik sa kwarto namin ni Hani, tapos ay lumabas na ako ulit para tingnan kung may makakain ba ako. Nang pabukas na ako ng ref ay napansin ko ang note na iniwan ni Hani sa pinto nun.

Kevin,

     Aalis muna ako. May iniwan akong steamed salmon, initin mo nalang kung gusto mo nang kumain!

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now