Chapter 10: He's Caressing Her

1.2K 22 0
                                    

(K E V I N)

Umaga ng araw ng Huwebes, habang nasa biyahe kami ni Hani papunta'ng Jacksbridge ay sinabi ko sa kanya ang last instructions ko para sa gaganapin'g party later that day.

     “May dadating sa bahay na glam team na mag-aayos sa’yo.”

     “O sige.”

     “Wag ka'ng magrereklamo sa kanila.”

     “Oo na.”

     “4:30 'yun'g dating nila kaya dapat nakauwi ka na sa mga oras na ‘yun.”

     “Got it.”

   Napangiti ako at tumingin sa kanya.

     “Bakit?” nagtataka niya'ng tanong.

     “May nalalaman ka ng ganyan ha?”

   Napangiti rin siya at nagmalaki pa.

     “Siyempre, para sa’n pa’t nag-aral ako diba?”

   Mas lalo ako'ng ngumiti at umiling-iling.

  


Matapos ng buo'ng araw ko'ng trabaho sa hotel ay gabi na’ko nakauwi, marami ako'ng inasikaso sa finance department, kalahati ng araw ko natuon dun. Ni-supervise ko pa ang renovation sa dalawa'ng suite rooms. Pagod na pagod na naman ang mga binti ko sa buo'ng araw na paglalakad.

   Pagbukas ko ng main door ng bahay ay nadatnan ko si Hani sa sala na nakaupo—nasa sahig ang kulay grey niya'ng heels.

     “Umalis na 'yun'g mga make up artists?”

     “Oo.”

     “Okay, magbibihis lang ako.” sabi ko at napatitig ako sa kanya bigla.

     “Ang ganda ko noh?” nakangiti'ng tanong niya.

     “Gumanda ka lang dahil sa make-up.”

     “Hindi ah, ang sabi ng mga make-up artists natural talaga ang beauty ko kaya hindi na sila nahirapan kung ano'ng make-up ang gagawin sa’kin.” pag-e-insist talaga nya.

     “At naniwala ka naman?”

     “Oo, hindi naman sila mukha'ng sinungaling.”

     “Sinabi lang nila 'yun para makuha ang loob mo at para sa susunod sila ulit ang kunin mo'ng make up artists.”

     “Sus, panira ka talaga ng good mood.”

     “Magbibihis muna ako.”

     “Teka teka, ano'ng oras ba magsisimula ang party?”

     “Alas otso.”

     “Ahh, ok. Sige go magbihis ka na, malayo pa naman 'yun'g babiyahiin natin.”

   Excited ata siya.

   Kahit na mukha siya'ng bata'ng nakaupo sa sofa na naghihintay ng magulang. Lumalabas din ang kakaiba'ng appeal sa kanya. Nakakatakot siya'ng magsuot ng gown, hindi siya pwede'ng mag-ayos nang ganun. Lumalabas ang natural sex appeal niya. Nakakailang.

  





Pansin ko ang mga young bachelors na sumulyap sa kanya noon'g dumating kami. Hindi mo makikita ang inosente at mukha'ng bata'ng si Hani sa gabi'ng 'yun. She turned into an elegant young woman with alluring pair of eyes and smile.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now