Chapter 2: HanKe's House

1.8K 30 2
                                    

 ( H A  N  I )

Masasabi ko na naging masaya ako kanina sa Eco-Park kasama si Ulupong. Kahit na puro asaran at pikonan lang ang madalas namin'g ginawa ron, naging masaya pa rin ako.

   Hindi dapat.

   Dapat pinigilan ko, diba?

     “Nagpadeliver ako ng hapunan natin, hintayin mo. Maliligo lang ako.” utos ni Kevin sa’kin nang nasa loob na kami ng kwarto namin sa hotel.

     “Opo.”

   Hindi na siya kumibo, dumiretso nalang siya ng banyo. Hinatid siya ng mga tingin ko at noon'g nasa loob na siya nito ay napabuntong-hinga ako at umupo sa kama.

   Kanina nang hawak niya ang kamay ko habang tumatawid kami sa hanging bridge, 'yun'g takot at kaba na nasa puso ko ay napalitan ng iba'ng kaba—'yun'g kaba na madalas natin'g nararamdaman kapag kasama natin ang tao'ng gusto natin. Ang init-init ng palad ni ulupong samantala'ng ang palad ko ay nagmistula'ng yelo sa sobra'ng lamig.

     “Hindi, Hani. Kaya mo pa'ng balewalain ang nararamdaman mo. 'Wag ka nga'ng tanga, alam mo'ng may hangganan ‘to kaya 'wag ka'ng masanay.” bulong ko sa sarili ko.

   Humiga ako sa kama at pinatong ang kamao ko sa noo habang nakapikit ang mga mata ko.

  

Ilan'g minuto ang lumipas, habang nakayakap ako sa unan at nagdo-drawing ng bilog sa kama gamit ang daliri ko ay saka naman may nagdoorbell.

     “Baka 'yun na 'yun'g pinadeliver ni ulupong.”

   Bumangon na ako at pinuntahan ang pintuan para buksan ito.

   At tama nga ako. Nang makita ko ang marami'ng pagkain ay napangiti ako. Nakaka-in love rin talaga ang mga pagkain.

     “Ito po ba ang room ni Mr. Romero?” tanong ng lalaki.

     “Oo, ako 'yun'g...asawa niya.”

   Yuck, asawa.

   Ngumiti ang lalaki.

     “Good evening po, Ma’am, ito po 'yun'g inorder niya'ng buffet para sa dinner niyo.”

     “Ah, sige salamat. Pakipasok nalang.”

     “Okay po.”

   Nilagay ng lalaki ang mga pagkain sa mesa, nagpaalam din agad siya upang umalis.

   Matapos ko'ng isara ang pinto ay agad ako'ng tumakbo pabalik sa mesa at tiningnan ang mga pagkain. Isa'ng buo'ng lechon manok na mainit-init pa with red, yellow and green bellpeper sa paligid nito. Mushroom soup, BLT salad (Bacon, Lettuce and Tomato) at may mixed fruits pa! (Strawberry, grapes, oranges and kiwi).

   Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya kumuha na ako ng isa'ng piraso nang hiniwa'ng oranges at sinunggaban 'yun.

     “Ang sarap, sobra'ng tamis at juicy pa.” habang hawak-hawak ang orange.

   Muntik ko nang maubos ang orange at ang BLT salad nang marinig ko na bumukas na ang pintuan ng banyo. Nilulon ko agad ang kinakain ko'ng lettuce at tinakpan ang bibig ko.

   Nagkatinginan kami ni Kevin na sa punto'ng 'yun ay nagpupunas sa basa niya'ng buhok. Nakasuot siya ng puti'ng t-shirt at nakashorts na black kaya medyo nabighani ako sa kanya.

     “Grabe, ang gwapo pala niya kapag wet look.” bulong ng isipan ko at umiwas na ako sa pagtingin sa ulupong.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now