Chapter 13: He's Confusing

1.2K 17 0
                                    

( H A  N  I )

Baliw talaga ako. Pumayag ako'ng sumama kay Kevin sa pakikipagkita niya kay Monique. Gaga! Sasaktan ko lang 'yun'g sarili ko.

   Pero diba dapat ko na rin siguro'ng makita si Monique, dapat makita ko ang babae'ng malapit kay Kevin?

   Grabe, ang ganda at ang laki pala ng bahay niya. Halata'ng buhay prinsesa habang lumalaki siya. Sa estado pa lang nang pamumuhay, kulelat na ako. Pa’no pa kaya sa iba'ng aspeto?

   Nakayuko lang ako sa likuran ni Kevin habang nagdo-doorbell siya. Talaga'ng bigla'ng uminit ang buo'ng paligid ko at hindi ako komportable.

     “Hi, Kevin.” bigla ko'ng narinig na boses ng isa'ng babae.

   Nang tumingala ako ay sobra'ng ganda ni Monique sa mahaba at kulay light chocolate niya'ng kulot na buhok. Ang ganda-ganda ng ngiti niya habang nakatitig kay ulupong. Nang sulyapan ko si Kevin ay nakangiti rin ito. Tiningnan ko ulit si Monique at nakita ko'ng nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang mapansin niya ako.

   Mukha'ng hindi rin niya feel na nandun ako. Pareho lang kami.

   Tiningnan ako ni Kevin at ipinakilala na niya ako sa kaibigan niya.

     “Monique, si Hani, Hani si Monique.”

     “Hi.” pagbati ko sa kanya.

   Ngumiti si Monique at kumaway.

     “Hello, sa wakas nagkita rin tayo.”

     “Huh?” naitanong ko.

     “Well, kailangan ko kasi'ng makilala ang babae'ng pinakasalan ng bestfriend ko.”

   Namilog ang mga mata ko at nagtanong.

     “Bestfriend?” akala ko si Clark 'yun'g bestfriend ni ulupong.

     “Yup, bestfriends kami since 7 years old. Right, Kevin?”

   Tiningnan ko si Kevin at ngumiti siya sabay tango. “Tama.” naisagot niya at tiningnan niya ako.

   Nang magtama ang mga tingin namin ay nagpalabas ako ng isa'ng ngiti.

   Bestfriend niya si Monique, pero hindi man lang niya sinabi sa’kin? Eh di fine, wala ako'ng pakialam kahit na kung sino pa ang bestfriend niya.

     “Enough of this chitchat. Come on in guys.” nakangiti'ng paanyaya ni Monique. Chitchat daw, pasosyal pa.

     “Akala ko hindi mo na kami papapasukin.” pagbibiro ni Kevin sa kanya.

     “Shut up, Kevin.” bwelta naman ni Monique.

   Natawa pa 'yun'g ulupong at tumingin sa’kin.

     “Pasok na tayo.” sabi nya.

   Habang naglalakad kami papasok ng bahay ay napansin ko na talaga'ng malapit 'yun'g dalawa sa isa’t isa. Nakakapagbiro si Kevin kay Monique at si Monique naman palagi rin'g inaasar si Kevin, 'yun'g kaibahan nga lang namin, sosyal si Monique at ako ay isa'ng kutong-lupa.

     “Tara, dumiretso na tayo sa dining area. I’m so hungry na talaga.” sabi nito'ng si Monique.

     “Masarap ba 'yun'g niluto mo?” tanong ni Kevin.

     “Who told you I cooked? Nagpadeliver lang ako noh, pero I changed the presentation naman eh.”

     “Daya mo.”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now