18.1

1.4K 22 4
                                    


(K E V I N)

Sumulyap ulit ako kay kutong-lupa- eksakto'ng wala na 'yun'g asungot na si Stan kaya napangiti ako dahil nagpaalam rin si Monique na pupunta siya ng banyo. Ito na 'yun'g chance na inaantay ko. Nilapitan ko si Hani na nakatingin lang sa isa'ng picture.

     "Kutong-lupa." pagtawag ko sa kanya at napatingin ito agad sa'kin. Bigla na naman'g nagsalubong ang mga kilay nya.

     "Hoy, ulupong ka, ano'ng ginagawa mo rito?" inis niya'ng pang-iintriga. Kulang nalang sakalin niya 'ko dahil sa inis.

     "Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatan'g pumunta rito?"

     "Akala ko ba ayaw mo'ng pumunta rito?"

     "Nagbago ang isip ko."

     "Hay naku, oo nga pala pabago-bago 'yan'g utak mo."

     "Aba." napipikon ko'ng sagot, pero inirapan lang ako ng asawa ko.

   Sumimangot na rin ako at iniikot ang tingin ko sa buo'ng paligid tapos ay tiningnan ko na siya ulit. "Siyanga pala, hindi ka ba nabo-bore dito?"

     "Ano ba'ng paki mo?"

     "Masyado'ng boring dito, tara alis tayo."

     "Tayo'ng dalawa?" sabay tingin sa'kin.

     "Oo."

   Tinitigan ako ni Hani.

     "Hoy." pagsita ko sa kanya.

     "Sige, pero magpapaalam muna ako kay Stan."

     "Wag na, tara." napipikon ko'ng sagot sabay hila kay Hani.

     "Oy, teka." reklamo niya habang hinihila ko siya—pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko sa wrist niya.

     "Kevin, bitiwan mo nga ako." palag pa niya samantala'ng binubuksan ko ang pinto ng kotse.

   Para tuloy'ng kini-kidnap ko ang asawa ko.

     "Pasok ka na."

     "Huh?"

     "Basta pasok na."

   Hindi na sya sumagot at pumasok na lang sa loob ng kotse ko.



Sa biyahe na nagsimula'ng nang-usisa ang maliit at makulit na babae'ng 'yun.

     "Sa'n tayo pupunta?"

     "Basta."

     "Huh?"

   Hindi ako kumibo. Tinatahak ng kotse ang daan papunta'ng Pasig.

     "Hindi ako sasama basta-basta nang hindi ko alam k—"

     "Asawa mo 'ko." tiningnan ko siya, "Tingin mo ba may gagawin ako'ng masama sa'yo?"

     "Oo."

   Namilog ang mata ko sa sagot niya.

     "Hoy!" sigaw ko.

     "Hoy ka rin!"

     "Pwede ba ireserba mo na 'yan'g mga lakas mo?"

     "Bahala ka nga."

   Bahagya'ng tumaas ang isa'ng sulok ng labi ko. Dinala ko si Hani sa isa'ng interactive indoor zoo na may hugis kagaya ng Noah's ark, that was just a random plan. 'Yun lang ang nakita ko'ng maganda'ng lugar kaya dun ko tinigil ang sasakyan.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon