Chapter 3: Bossy Husband

1.4K 17 0
                                    

( H A  N  I )

“Ang hirap-hirap naman nito.” reklamo ko habang hawak-hawak ang tatlo'ng plastic bags na may laman'g groceries na siya'ng inutos sa’kin ni Kevin.

   Nilagay ko muna sa may paanan ko ang mga plastic habang kinukuha ang susi ng gate na nasa bag ko. Nang mabuksan ko na ‘yun ay napabuntong-hinga ako at dinampot ulit ang mga plastic at naglakad na papasok. Pero hindi pa ron nagtatapos, naka-lock din ang main door ng bahay kaya nilagay ko na naman sa front porch ang mga plastic at binuksan ang nakalock na pintuan.

   Pagkapasok ko na ng bahay ay nahulog pa 'yun'g shoulder bag ko kaya mas lalo ako'ng nainis at kinuha 'yun, tapos ay ipinatong ko sa sofa. Dumiretso na ako sa kusina habang hawak-hawak ang mga plastic bags.

   Paglagay na paglagay ko ng mga bags sa nook ng kusina ay napa, “Hoh!” ako.

     “Ano ba naman ‘to? Hindi ko nga pala nahugasan ang mga plato. Kanina'ng umaga pa ‘to ah.” puna ko at tiningnan ko ang wall clock, “Mag aalas singko y medya na, kailangan bilisan ko nalang ang paghuhugas ng pinagkainan para may oras pa ako'ng magluto ng hapunan. Para pag-uwi ng ulupong may makakain na siya, nang sa ganun hindi na niya ako awayin.”

   Kinuha ko ang apron at agad na sinuot. Sinimulan ko na ang pakikibaka sa mga plato, baso, kutsara, tinidor, mangkok at kutsilyo.

   Matapos ko'ng maghugas ng mga pinagkainan ay pinakuluan ko na ang pork chop para mawala ang mga medyo marami'ng sebo. At habang nakasalang sa kalan ang pinakukuluan ko'ng karne ay pinasok ko naman ang mga pinamili ko'ng canned goods sa pantry, 'yun'g iba naman ay nilagay ko sa ref.

    "Maggagabi na, hindi pa 'ko nakakagawa ng assignments ko."





(K E V I N)

Buti nalang at hindi ko na kailangan'g hintayin na may magbukas ng gate para makapasok ako. Kagaya nang dati namin'g bahay, de remote rin ang gate namin. Isa'ng pindot ko lang sa control na nasa sasakyan ko ay bubukas na ito.

   Pagpasok ko ng bahay ay naamoy ko na agad ang niluluto'ng fried pork chop ni Hani. Pumunta agad ako ng kusina at tiningnan siya na naghihiwa ng mansanas at nilagyan ng marami'ng fresh milk.

     “May ulam na ba?” tanong ko.

     “Malapit nang maluto.”

     “Ok, tawagin mo nalang ako.” at iniwan siya para magbihis ng damit pangbahay.








( H A  N  I )

“Ok, tawagin mo nalang ako.” pag-uulit ko sa sinabi ni Kevin pagkatapos ay nag-snarl ang labi ko. Kumain nalang ako ng mansanas na hinalo ko sa fresh milk, “Kaasar talaga 'yun'g lalaki'ng ‘yun. Akala niya talaga sa’kin katulong.” pagmamaktol ko habang ngumunguya.

   Nang maluto na lahat ng baboy ay inihanda ko na rin ang mesa na pagkakainan namin'g dalawa.

     "Butihin ka talaga'ng asawa, Hani." pagpuri ko sa sarili ko.

   Hindi ko naman maaasahan si Kevin sa ganun.

 








(K E V I N)

Pagbaba ko ulit ay nakatayo na sa may kitchen sink si Hani, nilalagyan niya ng tubig ang kawali'ng ginamit niya sa pagluluto para lumambot ang mga dumikit na parte ng pinrito niya'ng pork chop.

   Pagtingin ko sa mesa ay nakahanda na ang pagkain.

   Umupo na agad ako.

     “Kumain na tayo.” anyaya ko sa kanya.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now