28.1

1.3K 19 2
                                    

(K E V I N)

Nakaupo lang ako sa labas ng raft house nang bigla nalang tumabi si Hani sa’kin.

   Napatingin ako sa kanya. She's even cuter wearing my shirt.

     “Ang lalim nang iniisip mo ah.” sabi niya.

     “Wala ako'ng iniisip, namamangha lang ako sa ganda ng lugar na’to.”

     Aah." At tumingin siya sa malayo, "Oo nga ano? Parang ang simple-simple lang ng buhay kung dito ka nakatira. Tahimik tapos ang ganda pa nang makikita mo'ng tanawin.”

   Napangiti ako at tumitig lang sa kanya.

   Maganda ka rin'g tanawin.

   Lumingon siya sa'kin.

     “Bakit?” naghahamon niya'ng tanong.

     “Ba’t 'yun'g T-shirt ko pa rin ang suot mo? Akala ko ba pinatuyo mo rin 'yun'g T-shirt mo?”

   Napatingin siya sa suot niya tapos ay sa'kin.

     “Mas komportable kasi ako rito, mamaya ko nalang isusuot 'yun'g T-shirt ko kapag papunta na tayo sa kweba.”

     “Asus.” nakangiti'ng sabi ko na may pagbunggo sa balikat niya, “Ang sabihin mo, mas gusto mo'ng isuot 'yun'g T-shirt ko.”

   Nagpalabas nang sarkastiko'ng ngiti si Hani bago ako tinarayan.

     “Ang kapal ng mukha mo.”

     “Napipikon ka kasi totoo.”

     “Pwede ba tumigil ka nga?”

     “In fairness, bagay sa’yo.”

     “Huh?”

     “Para ka kasi'ng lalaki.” pagbibiro ko.

   Nag-snarl ang labi ni Hani at sinapak ang balikat ko.

     Aray!”

     “Ang sama talaga ng ugali mo.”

     “Inaasar lang kaya kita.”

     “He!”

   I snarled my lips.

     “Teka nga, ba’t may dala ka'ng extra'ng T-shirt?”

     “Kasi maliligo ako sa lawa. Hindi ako kagaya mo na hindi lagi'ng handa.”

     “Wow naman. Ang sakit nun ah. Talaga'ng wala lang naman ako'ng intensyon na magdala ng extra.”

     “Hindi ka talaga nag-iisip, diba nga nabasa mo naman ang brochure? Alam mo'ng pupunta tayo sa isa'ng lawa, at nakalagay pa ron na pwede tayo'ng maligo. Pero hindi ka pa rin nagdala nang pamalit na damit.”

     “Ikaw pala 'to'ng hindi nag-iisip. Alam ko na hindi ako marunong lumangoy kaya hindi ako nagdala ng extra kasi wala naman ako'ng intensyon'g maligo.”

   Tama, tama naman siya. Natalo niya ako sa diskusyon'g 'yun.

     “O natahimik ka. Buti nga sa’yo.” pang-aasar pa niya.

   Nangiti nalang ako.

   Hani giggled, napaka-refreshing nang tawa niya'ng 'yun.

   Pinikit niya bigla ang mga mata niya at sininghot ang hangin sa paligid.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon