36.1

1.3K 24 0
                                    

(K E V I N)

May sapat na lakas ulit kami na maglibot-libot sa Enchanted Kingdom. Napadighay bigla si Hani noon'g papunta na kami'ng Flying Fiesta.

     "Kadiri ka."

     "Alangan naman'g pigilan ko."

     "Babae ka ba o hindi?"

     "Sinabi'ng dumidighay nga rin ang mga babae e."

   Nangiti ako sa sagot niya.

     "Sasakay tayo diyan?" bilog ang mga mata niya nang makita ang nagsisigawan'g tao sa Flying Fiesta.

     "Bakit? Huwag mo'ng sabihin'g takot ka?" nang-asar ako.

     "Tigilan mo nga 'ko."

   Naglaho ang ngiti ko nang gulatin niya 'ko sa pagtatali niya ng buhok. Hindi ko maalis ang pagtitig sa galaw nito. Mas maaliwalas na tuloy siya'ng tingnan sa ensaymada'ng buhok niya.

     "Tara na." sabay hila sa'kin. Nakakasilaw na naman ang batok niya na may butil na ng pawis at iilan'g hibla ng buhok.

   Bakit ba pakiramdam ko nanghina ako sa ginawa niya? Nagtali lang naman siya ng buhok.

     "Dito ako." pag-dibs niya.

     "Hindi, tabi tayo."

     "Eii, ayoko." sabay upo na sa bangko.

     "Magtatalo talaga tayo rito?"

     "Maghanap ka na nang mauupuan mo. Bilis." mando niya.

   I glared at her. Kung hindi ka lang talaga cute e.

   Umupo ako sa bangko sa may harapan niya. Gusto ko pa naman sana siya'ng makatabi sa ride na 'yun.

     "Akala ko ba gusto niya'ng maranasan ang mga nakikita niya sa TV?" maktol ko habang sinisiguro na nakaayos na ang safety belt.

   Nilingon ko siya nang magsimula na ang ride. Ang laki-laki pa rin ng ngiti niya, parang bata na nakahawak sa magkabila'ng pole.

     "Kumapit ka nang mabuti diyan." paalala ko habang mabilis kami'ng iniikot ng sinasakyan namin.

   Una'ng beses niya'ng sumakay ron, nag-aalala ako na baka matakot siya kaya gusto ko sana siya'ng tabihan. Kapag tumitili siya napapalingon ako sa kanya. Pero kapag nakikita ko na may kasama'ng malalaki'ng ngiti at halaklak ang tili'ng 'yun, napapakalma na 'ko.

   It's no use to underestimate her. Mabilis siya'ng mag-adapt sa isa'ng bagay, she's a survivor.

     "'Yun na 'yun? Wala na ba'ng mas ka-piyesta-piyesta 'yun?" pagmamalaki niya pagkalabas namin.

     "Sa—" inakbayan ko siya at tinakpan ang bibig na ayaw tumigil sa pagyayabang.

     "Sinasabi lang 'yan ng mga duwag." sabi ko sa kanya habang nasa labi niya ang palad ko at magkatitig ang mga mata namin.

   I knew she was smiling, halata sa mga mata niya. Inalis ko ang palad ko, and I was right, she's again beaming—giggling to be exact.

     "Natakot nga ako." sabay tapik sa tiyan ko.

     "Sinabi na nga ba."

     "Pero masaya naman. Nag-enjoy ako."

     "Sana tumabi na nga lang ako sa'yo."

     "Tingin mo hindi kita sasapakin kung magkatabi lang tayo?"

     "Bakit ba ang hilig mo'ng sapakin ako?"

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now