Chapter 12: Bygone

1.4K 24 2
                                    

A/N: Ang susunod na mga kabanata ay masyado'ng masakit sa dibdib. Don't say I didn't warn you.

( H A  N  I )

Isa'ng gabi, habang nagda-dart ako ay katabi ko naman ang photo stand ni Ethan Lin na bigay ni Kevin sa’kin. Kahit na hindi ko man nakita si Ethan sa personal, masaya na rin ako kasi naging daan 'yun para ipakita ni Kevin na thoughtful talaga siya'ng tao. Mas lalo tuloy ako'ng nalilito sa nararamdaman ko.

   Tiningnan ko ang standee ni Ethan at kinausap ito.

     “Ikaw Ethan? Minsan ba naguguluhan ka na rin sa mga nararamdaman mo? Nagmahal ka na ba? O nagmamahal ka pa rin?”

   Napayakap ako rito saka bumuntong-hinga.

     “Hay, para na ako'ng tanga. Kung sana pwede ko rin'g sigawan ng ‘cut’ ang puso ko para matigil na ‘to'ng nararamdaman ko'ng kakaiba sa kanya.”

   Nanatili ako'ng nakayakap sa standee. Pinapahinga ko ang napapagod ko'ng kalooban. Pero na-realize ko na marami pa ako'ng kailanga'ng gawin at hindi pa ako naghahapunan.

   Lumabas ako ng kwarto at nadatnan si Kevin na nauna na sa pagkain. Umupo ako sa pwesto ko na nasa tapat niya. May kakaiba ata sa kanya sa gabi'ng 'yun.

   Hindi ko inakala na marami'ng magbabago magmula sa pagkakataon'g 'yun.

     “Hoy, may humahabol ba sa’yo?” sita ko sa ginagawa'ng pagmamadali ng ulupong sa pagkain.

   Napatingin siya sa wrist watch niya saka tumayo sabay inom ng tubig.

     “Hindi mo man lang ba sasagutin 'yun'g tanong ko?”

     “May kailangan pa ako'ng gawin. Ikaw na ang maghugas ng pinggan.” tangi'ng sagot niya sa’kin at nagmadali nang umalis.

   Napaisip ako sa mga kinikilos niya at nang may maalala ako ay agad ako'ng nagsalita nang malakas para marinig niya ako.

     “Hoy, diba sabi mo ikaw ang maghuhugas ngayon?!” pahabol ko sa kanya pero hindi ko na narinig na sumagot siya. 

     “Loko 'yun ah, naisahan ako. May gagawin pa naman ako para sa project ko. Nakakainis. Buti sana kung siya ang gagawa nung project ko.” pagdadabog ko at nagpatuloy na sa pagkain. “Nakakastress.”  dugtong ko pa habang ngumunguya.

   Pagpasok ko ng kwarto ay nakita ko'ng busy si Kevin habang nakaharap sa laptop niya. Sisilipin ko sana kung ano'ng ginagawa niya pero bago pa man ako makalapit ay lumingon na siya sa’kin.

     “Makikisawsaw ka na naman?” pagsusungit niya.

     “Dadaan lang ako, may kukunin ako sa walk in.”

   At naglakad na nga habang nakayuko. "Makikiraan po." mahina ko'ng sabi na parang nagpapasintabi sa higante'ng ulupong sa punso.

   Nang maisara ko ang pinto ng walk in closet ay inis ako'ng umupo sa sofa at kunot-noo'ng tiningnan ang pintuan.

     “Makikisawsaw ka na naman?” paggaya ko sa sinabi ni ulupong tapos ay nag-snarl ang labi ko, “Ang kapal. Eh siya rin naman ah? Nakikialam din siya sa mga pinaggagagawa ko. Ganito ba ang patakaran rito? Siya pwede'ng makialam sa’kin at ako bawal? Unfair. Isa'ng malaki'ng UNFAIR!” pagdadabog ko, kainis e!

   Nagkulong muna ako sa lugar na ‘yun at humiga sa sofa habang tinititigan ang kisame.

     “Bakit kaya kisame ang tawag sa’yo?” bigla'ng lumabas sa bibig ko ang wala'ng kwenta'ng tanong na 'yun.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now