Chapter 22: Imprisoned Hearts

1.6K 24 1
                                    

(K E V I N)

Hindi ulit kami nagkibuan ni Hani sa almusal. Nauna siya'ng tumayo at nilagay ang plato sa lababo.

"'Wag mo na ako'ng ihatid, ayoko'ng makaabala sa'yo." she was acting cold towards me, and I kinda expected it. May kasalanan din naman talaga ako.

Lumingon ako sa naglalakad palayo na si Hani, pero hindi ko nasabi ang gusto ko'ng sabihin.

Hinayaan ko siya'ng umalis. Hinayaan ko siya'ng lumayo.







( H A N I )

Kailan ba niya ako maiintindihan? Kailan ba niya makikita 'yun'g totoo na gusto ko'ng pigilan niya ako? Akala ko kanina magso-sorry siya, pero hindi man lang siya kumibo.

Kaya dapat nga'ng 'wag mo rin siya'ng kibuin Hani, 'wag ka'ng lalambot. 'Wag ka'ng bibigay.








(K E V I N)

Umiinom ako ng wine sa loob ng opisina ko nang bigla'ng dumating si Clark at nagsimula na naman'g mang-asar.

"Sino'ng dahilan ng bad mood mo? Si Monique o si Hani?"

"Ano?"

"Kevin, kilala kita, alam ko'ng mainit 'yan'g ulo mo dahil hindi ka naman umiinom dito sa loob ng opisina mo mag-isa kung good mood ka. Kaya sige na, sabihin mo na sa'kin ang dahilan."

"Si Hani kasi-"

"I knew it!" nakangiti'ng sabi ni Clark at napapitik pa sa daliri niya, "Sinasabi ko na nga ba. Bakit? Nagseselos ba siya kay Monique? Sinabi ko naman sa'yo eh, 'wag mo nang masyado'ng puntahan si Monique, hindi na kayo kagaya nung dati, may asawa ka na ngayon." ayaw ako'ng pasingitin ni Clark sa sinasabi niya.

Bumuntong-hinga ako.

"Alam mo naman kung ga'no ko nasaktan si Monique nang magdisesyon ako'ng pakasalan si Hani, diba?"

"Oo nga, naiintindihan ko naman 'yun eh, pero dapat ba na araw-araw mo'ng pinupuntahan si Monique para lang 'wag nang magtampo 'yun sa'yo? Diba nga ok na naman kayo? So what's the use of being with her all the time? Siyempre kung ako rin naman si Hani, talaga'ng magseselos ako."

"Hindi mo naman kasi naiintindihan eh, hindi naman dapat magselos si Hani."

"Ano'ng hindi dapat? Hoy, asawa mo siya, kaya may karapatan siya'ng magselos." natawa siya bigla na may kasama'ng panunuya.

"Eh ikaw nga diyan eh, nagseselos ka sa Stan ba 'yun? 'Yun'g first love ni Hani?"

Hindi ako kumibo nang marinig ang pangalan nang lalaki'ng 'yun.

"Kita mo na? Natahimik ka." papunta siya sa mini-pantry ng opisina ko para kumuha ng baso.

"Basta, Clark."

"May tinatago ka ba sa'kin?"

"Wala."

Nilingon niya 'ko't bumalik na sa pwesto niya kani-kanina lang.

"Sigurado ka?"

"Oo."

"Sabi mo eh. Pero teka ano'ng balak mo ngayon? Hahayaan mo lang na magtagal ang tampuhan niyo'ng dalawa ng asawa mo? Sige ka, baka masulot 'yun ng iba."

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now