Chapter 17: The Upcoming Threat

1.6K 22 0
                                    

( H A N I )

Araw ng Sabado, inutusan ako ni ulupong na mag-grocery dahil ubos na raw ang paborito niya'ng cheese. Para rin talaga'ng daga 'yun'g lalaki'ng 'yun, ang lakas pumapak ng cheese. Buti nga hindi niya naging kamukha si Bugs Bunny.

   Hmm?

   Carrots nga pala ang paborito ng mga bunny. Si Jerry pala ng Tom n Jerry ang mahilig sa cheese. Ayan kasi, hindi ako mahilig manuod ng cartoons.

   Papalabas na ako ng grocery store pero natigilan ako nang makasalubong ko ulit si Stan.

     "Hi."

   Napalunok ako. Siya na naman, napapadalas ata ang pagko-krus ng landas namin.

     "Hi." mahina'ng pagkakasabi ko.

     "Uuwi ka na ba?"

     "Oo."

     "Pwede ba'ng yayain ka muna'ng mag-meryenda?"

     "Ha?" iiwas na naman ba ako? Pero baka mas lalo'ng mangulit ang tadhana tapos pagkitain ulit kami.

     "Sige." pagtanggap ko sa paanyaya ni Stan. Gusto ko rin kasi'ng makausap ulit siya, malay natin maging magkaibigan ulit kami kagaya nang dati.

   Dinala ako ni Stan sa pinakamalapit na cafe. Isa'ng kainan na may garden at fish pond na siya'ng isa sa mga paborito'ng lugar niya sa Marikina. Dinadaan-daanan lang namin ni Kevin ang lugar na 'yun araw-araw kaya hindi ko akalain na ganun pala kaganda ang loob nito.

   Ang aliwalas ng lugar dahil sa mga puno na nakapalibot rito. Tahimik at presko pa.

     "Ano'ng gusto mo'ng kainin?" tanong ni Stan nang makaupo na kami sa napili namin'g pwesto.

     "Kahit ano naman kinakain ko."

     "Basta wala'ng halo'ng cheese." nagsabay pa kami kaya natawa siya.

   Napangiti rin ako. Hindi pa pala nakakalimutan ni Stan 'yun.

     "Mahilig ka pa rin naman sa chocolates diba?"

   Tumango ako nang nakangiti.

   Hindi pa rin pala nakakalimutan ni Stan ang paborito ko—kunsabagay, siya 'yun'g kasundo ko sa pagkain ng mga tsokolate nung nasa highschool pa kami. Ang saya sana namin nun, palagi kami'ng magkasama at nag-uusap, siya pa nga 'yun'g nagdadala ng bag ko tapos hinahatid niya ako sa bahay. Akala ko siya na talaga 'yun'g lalaki'ng para sa'kin, akala ko 'yun na ang forever, pero nang malaman ko na pinagpustahan lang pala nila ako ng mga kabarkada niya, naglaho lahat ng pinangarap ko para sa'min'g dalawa. My first love broke my heart for the first time.

     "'Yun'g tungkol sa nangyari noon'g high school." nag-aalangan'g sabi ni Stan matapos e-serve ang mga pagkain na ni-order niya.

     "Wala na 'yun, ang tagal-tagal na nun."

     "Sorry talaga, Hani. Hindi ko naman talaga ginusto 'yun eh, wala naman talaga ako'ng plano'ng pumayag sa pustahan. Nadala lang siguro ako ng peer pressure kaya napapayag nila ako."

     "Stan, ok na ako, napatawad na kita."

     "Talaga?"

     "Oo." tapos ay ngumiti ako.

   Ngumiti rin ito sa'kin.

     "Kumusta ka na pala ngayon?" bwelo niya ulit.

     "Ok naman, nasa college na'ko."

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon