21.1

1.3K 27 2
                                    

(K E V I N)

Narinig ko na tumutunog ang cellphone ni Hani noon'g nasa banyo siya. Sinilip ko kung sino ang tumatawag, at talaga'ng namilog ang mga ko sa gulat nang makita ang pangalan na nasa screen.

   Si Stan.

     “Ba’t tumatawag ang gunggong na’to?” naiinis ko'ng tanong, eksakto'ng lumabas naman ng banyo si Hani.

     “Ba’t mo hawak-hawak 'yan?” tanong niya habang lumalapit sa’kin.

   Sa kanya ko nabaling ang inis ko't inabot sa kanya ang cellphone niya.

     "Tumatawag si Stan.”

   Kinuha ni Hani ang cellphone at pumunta sa balkunahe ng kwarto namin. Nakakunot naman ang noo ko habang inaayos ang kurbata ko.









( H A  N  I )

“Hello, Stan.” sabi ko habang binubuksan ang sliding door papunta sa balkunahe ng kwarto namin.

     “Hani, 'yun'g tungkol sa birthday mo.”

     “O ano'ng tungkol dun?”

     “Naisip ko na sa susunod na araw nalang siguro kita yayayain'g magdinner, baka kasi mapagod ka sa date niyo ng asawa mo kaya hindi nalang ako makikisingit.”

   Naisip niya rin 'yun, sa wakas.

     “Ah, ok mas mabuti pa nga 'yan, Stan.”

     “O sige, tumawag lang ako para diyan. Baka kasi hindi na kita makontak bukas o samakalawa.”

     “Huh? Bakit?”

     “Pupunta ako sa isa'ng liblib na lugar sa Cebu, baka wala'ng signal ron.”

     “Ano'ng gagawin mo dun?”

     “May photoshoot ako para sa isa'ng debut.”

     “Talaga? Ok, ingat ka ron.”

     “Oo, promise. Ikaw rin, mag-iingat ka parati."

   Napangiti ako.

     "Sige na, Hani, puputulin ko na ang tawag.”

     “Sige.”








(K E V I N)

Tinitigan ko lang si Hani habang nasa balkunahe siya. Talaga'ng napipikon ako kapag naririnig ko ang boses niya. Ano kaya'ng pinag-uusapan nila'ng dalawa? Ang aga-aga pa pero may gana na sila'ng mag-usap. Alam naman nung Stan na ‘yun na may asawa na 'yun'g tinatawagan niya. Bwesit.

   Matapos isara ni kutong-lupa ang sliding door ay napatingin siya sa’kin.

     “Tungkol sa’n ba ang pinag-usapan niyo ni Stan?” sinigurado ko na hindi halata ang inis ko.

     “Tungkol sa birthday ko.” sagot niya at kinuha ang libro na nasa study table.

   Mas lalo'ng uminit ang ulo ko. Akala ko ba kami'ng dalawa ang magdi-date sa araw na ‘yun?! Ba’t nasali sa plano si Stan? Balak ba niya talaga'ng galitin ako sa araw na ‘yun?! Hindi ako makikihati dun sa chinito'ng lalaki'ng ‘yun.

     “Ano? Teka nga, Hani, makikipagkita ka ba sa lalaki'ng 'yun sa birthday mo?”

     “Ano ba 'yan'g pinagsasabi mo? At saka birthday ko naman kaya pwede naman siguro na makipagkita ako sa mga kaibigan ko.”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchOnde as histórias ganham vida. Descobre agora