35.1

1.3K 33 0
                                    

(K E V I N)

Inalalayan ko si Hani habang palabas na kami ng ospital. Gusto ko nga sana'ng akbayan siya pero baka mas lalo lang siya'ng makulitan sa’kin.

     “Ako na nga lang kasi ang magdadala ng bag ko.” pagsusungit na naman niya.

     “'Wag na nga lang diba?”

     “Magaan lang naman 'yan, hindi ako mahihimatay kung dadalhin ko 'yan.”

     “Kahit na.”

     “Sige ka, iisipin nila bakla ka o di kaya under ka kasi ikaw ang pinagdala ko nang pink na bag.”

     “Wala ako'ng pakialam sa sasabihin nila.”

     “Hindi ka na pala concern sa ego mo?”

     “Hindi.”

     "Asus."

     "Ano naman'g pakialam nila diba? Bakit ako makikinig sa sasabihin nang iba?"

     Naks. Nag-mature na siya. Good for you.” sabay tapik nang likod ko.

   Nagngitian kami'ng dalawa hanggang sa makasalubong namin si Stan kaya agad nawala ang dati’y masaya ko'ng mukha.

     “Hani, ok ka na ba?”

     “Malamang, diba nakalabas na nga siya?” pagsagot ko.

   Siniko ako ni Hani.

   Napikon siguro siya dahil pinilosopo ko ang lalaki'ng mahal niya.

     “Um, oo, Stan. Ok na ako.” pagsagot ni Hani, kumunot ang noo ko at tumingin nalang sa iba'ng lugar.

     “Sorry kung hindi kita nadalaw kahapon, marami talaga kasi ako'ng trabaho.”

     “Ok lang. Ayoko rin naman'g maabala ka pa, at isa pa, hindi naman malala ang kondisyon ko.”

     “Hindi ka naman nakakaabala eh.”

   Tumingin ako kay Stan at kunot-noo'ng nagsalita.

     “Pwes, ikaw nakakaabala ka sa’min ni Hani, pwede ba'ng hayaan mo na kami'ng umalis? Kailangan na niya'ng magpahinga, kailangan nang magpahinga ng asawa ko.” pagsusuplado ko at hinawakan ang kamay ni Hani ta’s hinila siya palayo kay Stan.

   Sa mga araw na’to, akin lang si Hani. May karapatan ako'ng ilayo siya kay Stan dahil asawa ko pa siya. Kaya tingin ko na tama lang 'yun'g ginawa ko.

     “Hoy, ba’t mo pinagsalitaan nang ganun si Stan?” tanong niya nang nasa biyahe na kami pauwi.

     “Dapat lang 'yun sa kanya.” sa daan ang mga mata ko at nakahawak naman sa manebela ang isa ko'ng kamay.

     “Ano? Ang sama talaga ng ugali mo.”

     “Ayoko sa kanya, at ayoko rin'g lumalapit ka sa kanya.”

     “Nababaliw ka ba? Ikaw dapat to'ng ma-confine sa ospital.”

     “Basta, tumahimik ka na lang.”

     “He!”







( H A  N  I )

Araw ng Huwebes, habang nakaupo ako sa lawn ng fountain sa Jacksbridge ay tulala na naman ako. Ang bigat-bigat na nang pakiramdam ko, ilang tulog nalang aalis na ako. Pero ayoko talaga'ng umalis. Ayaw ng puso ko. Naiinis ako dahil sarili ko na ang kalaban ko rito.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now