Chapter 5: Ring Issue

1.5K 22 1
                                    

 ( H A  N  I )

Wala ako'ng pasok pero kailangan ko'ng gampanan ang responsibilidad ko rito sa bahay. Kahit kailan talaga hindi ako makakapagpahinga nang mahaba'ng oras. Nakakapagod din 'yun'g ganito, tapos pag-uwi pa ni Kevin mambwibwiset na naman. Buryo'ng-buryo na ako sa nangyayari sa buhay ko.

   Pero kahit na inis na inis ako sa kanya, naiisip ko pa rin ang kapakanan nun. Hindi naman ako galit dun, at kung magalit man ako—ni minsan hindi 'yun tumagal ng isa'ng oras. 

     “Ano kaya ang pwede ko'ng bilhin para sa ulupong na ‘yun?” natanong ko habang mina-map ang sahig ng kusina.

(K E V I N)

Pagdating ko sa loob ng opisina ay saka ko pa lang naalala ang sinabi ni Mama tungkol sa paso sa kamay ni Hani.

     “Hindi ko na naman napansin 'yun.” at sinubukan ko'ng tawagan si Hani pero busy ang linya niya.

     “Sino na naman kaya ang kausap ng babae'ng ‘to? Baka nakikipagtelebabad na naman sa kung sino-sino.” asar na sabi ko.

   Nilapag ko nalang ang cellphone sa mesa at isinandal ang likod ko sa upuan.

     “Ang lalim nang iniisip ah.” bigla'ng sinabi ni Clark pagpasok niya ng opisina ko.

     “Akala ko ba nasa Davao ka?”

     “Hindi na ako tumuloy, break na kami ng girlfriend ko.”

    “'Yun'g sumunod kay Val? Ano nga ba'ng pangalan nun?”

    “'Yun'g sumunod kay Val ay si Christina, at 'yun'g sumunod kay Christina ay si Jane—siya 'yun'g kaka-break ko lang na girlfriend.”

     “Pang-ilan mo na ba ‘yan?”

     “Hindi naman ako nagbibilang, masama 'yun.”

     “Eh 'yan'g ginagawa mo'ng pangungolekta ng mga babae? Diba masama rin 'yan?”

     “Kaya nga hindi ako nagbibilang kasi ayoko'ng isipin na nangungolekta ako. Tutal bata pa naman ako at okay lang na mag-enjoy. Hindi ako kagaya mo na first girlfriend ay 'yun na ang pinakasalan mo, masyado'ng kulang ka sa experience.”

     “Mas ayoko rin naman'g maging kagaya mo, natatakot ako na kapag nagloko ako sa mga babae ay baka bumalik pa sa’kin 'yun. Baka kapag nagkaroon ako ng anak na babae at paiiyakin lang din siya nang kung sino-sino'ng lalaki.”

     “Ah, so kaya ka nagtitino kasi ayaw mo'ng ang anak mo ang sumalo ng karma'ng dapat sa’yo?”

     “Exactly.”

     “Well, wala ako'ng magagawa kung 'yan ang paniniwala mo. 'Wag ka'ng mag-alala, magtitino rin ako kapag nahanap ko na ang the one.”

     “Baka 'yun'g the one mo ay ang ika-the one hundredth girlfriend mo.”

     “Posible rin."

   Napangiti ako.

     "Pero maiba nga tayo, diba isa'ng linggo ka ng kasal?”

     “Oo, bakit?”

     “Kung ganun, palagi pa lang masasaya ang mga gabi mo. Nabinyagan ka na ba?”

     “Ano ba'ng klase'ng tanong 'yan?”

     “Kevin, kilala kita. Alam ko naman na wala ka'ng karanasan sa mga babae. Ang gwapo mo nga pero wala pa'ng nakakatikim sa'yo. Kaya gusto ko'ng malaman kung pareho ba kayo'ng dalawa ni Hani na pareho'ng virgin. Magkwento ka naman. Ano, nag-enjoy ka ba?”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon