Chapter 34: Losing Her

1.5K 26 0
                                    

( H A  N  I )

Hapon na nang magising ako galing sa buo'ng umaga nang paglilinis—grabe, kabisado'ng kabisado ko na ang bahay sa halos na araw-araw na paglilinis ko rito.

   Naboringan ako na maglagi lang sa bahay kaya naisipan ko'ng puntahan si Stan sa studio nito. Ang laki rin ng utang ko kay Stan, ayoko naman na isipin niya na kinakausap ko lang siya kapag malungkot ako. Kaya naisipan ko na dalawin siya nang wala'ng iba'ng intensyon.

     “Hello.” may ngiti sa labi ko. May ginagawa siya sa harap ng laptop niya nang pumasok ako ng studio.

     “Hani, napadalaw ka.” nakangiti rin siya.

     "Um, busy ka?"

     "May ini-edit lang. Bakit?"
  
     "Samahan nalang kita."

     "May nangyari ba?"

     "Wala naman."

   Ngumiti siya.

     "Um, ano kasi. Yayayain sana kita sa park. Pero okay lang, tapusin mo muna 'yan."

     "Makakahintay ka ba?"

     "Ha? Oo naman. Ako na nga 'to'ng nakakaabala tapos ako pa magde-demand?"

   Ngumiti ulit siya.

     "Tapusin ko lang 'to."

   Napatango ako at tahimik na naghintay habang nakaupo.

   Tunog lang galing sa stereo ang nag-ingay sa pagkakataon na 'yun. Busy talaga si Stan kaya hindi nalang ako dumada.

     "Gusto mo ba kunan din kita ng litrato?"

   Napatingin ako ulit sa kanya.

     "Naku, 'wag na. Wala 'yan sa budget ko."

     "Magkaibigan naman tayo, kaya libr—"

     "Sus, hindi na. Negosyo mo kaya 'to, tsaka hindi tama na libre lang ang effort mo. Kahit na kaibigan pa kita."

     "Tumatanggi ka na sa libre ngayon?" natatawa siya.

     "Hoy, kapag pagkain ang libre tinatanggap ko. Maliban nalang kung ikaw ang chef o may-ari ka nang kainan, dun ako hindi tatanggap ng libre."

     "Talaga?"

     "Maliban nga pala kay Mama." bigla ko'ng naalala.

   Nangisi si Stan sa katangahan ko.

     "May-ari ba nang kainan ang mother-in-law mo?"

     "Pastry shop. Dun sa may simbahan."

     "'Yun'g Danita's?"

     "Hala, nakakain ka na ron?"

     "Si Stacy ang nag-recommend."

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now