31.1

1.5K 22 3
                                    

( H A N I )

Ang sakit sakit ng ulo ko!

   Para ako'ng nabunggo sa isa'ng malaki'ng bato at parang mabibiyak na ata talaga 'yun'g bungo ko. Bumangon ako at hinilot ang masakit ko'ng ulo hanggan'g sa bigla'ng nanlaki ang mga mata ko.

     "Teka, pa'no ako nakauwi? Hinatid ba ako ni Ces?" tanong ko sa sarili dahil wala ako'ng maalala sa nangyari. Ang huli'ng natatandaan ko ay uminom ako ng alak, pero hindi ko na alam kung ano pa'ng iba'ng nangyari pagkatapos nun.

     "Tama! Tatawagan ko si Ces." desisyon ko at tiningnan ang side table kaso natigilan ako nang makakita ako ng tea set at may note pa'ng katabi ang tasa.

Gumawa ako ng green tea, inumin mo para mawala ang hangover mo -Kevin

     "Tama na, Hani. Tumigil ka na. Wala nang mangyayari kung kikiligin ka pa sa kanya. Balewala lang sa kanya ang ginagawa niya, ikaw lang naman 'to'ng nagbibigay ng malisya." seryoso'ng pagkakasabi ko tapos ay nilukot ko ang papel.

   Pa'no naman ako makakamove on kung sa bawat maliit na bagay na ginagawa ni Kevin ay bumabalik ulit ako sa simula?







(K E V I N)

Hindi ko kaya'ng nakikita'ng ganun si Hani. Galit na galit talaga siya sa'kin. Ang dami ko na siguro'ng nagawa'ng hindi maganda sa kanya. Kagabi, dun ko lang nakita ang galit niya para sa'kin. Kulang nalang isumpa niya ako dahil sa pagkakamuhi niya sa'kin.

   Sana mapatawad niya pa ako.

   Sa ika-apat na gabi na hindi kami magkasama ay patago ako'ng bumisita sa bahay namin. Pinanuod ko ang bahay habang nasa loob ako ng kotse. 11:48 PM, pinatay ni Hani ang ilaw sa kwarto.

   Bumuntong-hinga ako.

     "Good night, Hani."

   Tinitigan ko pa saglit ang kwarto bago bumiyahe pabalik ng hotel.









Isa'ng linggo ako'ng nanatili sa hotel at sa loob ng ilan'g araw na hindi ko nakikita si Hani, parang ang kalahati'ng bahagi ng katawan ko ay naparalisa. Nami-miss ko siya—'pag tinatawagan ko naman siya, hindi pa rin sapat sa'kin na boses niya lang ang naririnig ko. Tiniis ko nalang ang isa'ng linggo na hindi siya makita, pero napakahirap ng mga araw na 'yun na hindi ko siya nakakasama. Sa mga araw na magkalayo kami, dun ko lang na-realize na hindi ko pala talaga kaya na mawala siya sa'kin.

   Kasi,

   Mahal ko na siya, at sigurado na ako sa nararamdaman ko. Mahal ko na siya at ayoko'ng mawala siya. Hindi ko na kaya'ng mabuhay nang hindi ko siya nakikita, para ako'ng mababaliw kapag wala siya sa tabi ko.

   Mahal na mahal ko si Hani Mirasol.

   'Yun ang totoo, 'yun ang sinasabi ng puso ko. Isa'ng pagmamahal na hindi ko pa naramdaman sa kahit sino'ng babae.

Linggo ng umaga ay bumalik na'ko ng bahay namin. Nadatnan ko'ng naglilinis ng pool si Hani. Likod pa lang niya ay napasaya na'ko, miss na miss ko na talaga ang babae'ng 'to.

     "O nandito ka na pala, welcome home." nakangiti'ng bati niya sa'kin.

     "Buti naman at nililinis mo ang pool."

     "Sus, 'pag hindi ko nilinis 'to, baka palayasin mo 'ko."

   Tinitigan ko si Hani, may ngiti sa labi niya, iba'ng-iba ang mukha sa huli'ng beses na nakita ko siya. Ang aliwalas niya'ng tingnan ngayon kumpara nung huli.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchDonde viven las historias. Descúbrelo ahora