27.1

1.5K 26 0
                                    

(K E V I N)

“Oy may macopa rin pala sila rito?” tanong niya sa’kin nang makita ang isa'ng tindera na nagbibenta ng mga prutas habang nakasakay sa bangka.

     “At may mangga, lansones, rambutan at kiat-kiat pa. Parang Pilipinas lang.”

     “Ano ba sa tingin mo? Hindi lang naman sa Pilipinas nakikita ang mga prutas na ‘yan.”

   Nag-snarl uli ang labi niya.

     “Ang dami mo talaga'ng alam. Oo na, ikaw na ang matalino.”

   Ngumiti lang ako at inaya siya'ng sumakay ng isa'ng bangka para makapamili rin kami ng prutas at iba pa'ng binibenta ng iba'ng nasa kabila'ng bangka rin.

     "Kaya pala floating market." bigla niya'ng nasabi.

   Patago nalang ako'ng ngumiti.

     “Ulupong, bumili tayo ng sombrero na hugis apa.” pagdaldal na naman niya kaya napatingin ako sa kanya.

     “Ha?”

     “'Yun'g kagaya sa sinusuot nila.” sabay turo sa suot na salakot ng mga nagtitinda.

     “Bakit naman? Mabigat 'yan at isa pa, may ganyan naman sa Pilipinas.”

     “Alam ko 'yun, may ganyan nga kami noon e, kaso nasira na. Kaya nga gusto ko'ng bumili ng bago. Nakita ko kasi si Ethan na nagsuot niyan dun sa isa niya'ng pelikula na kinunan pa sa Vietnam.”

     “So pakiramdam mo na kapag may ganyan ka, may koneksyon ka na rin sa Ethan Lin na’yun?”

     Tumpak! Ang talino mo talaga.”

     Sus, diehard fan ka talaga niya noh?”

     “Siyempre naman. Hindi lang siya gwapo, mabait pa.” pambibida niya.

     “Pa’no ka nakakasiguro? Hindi mo pa naman nakakasama sa iisa'ng bahay 'yun.” pambasag trip ko kaya nainis siya.

     “Alam mo tumahimik ka nalang kaya? Wala ka ba talaga'ng iba'ng magawa kundi siraan 'yun'g idol ko?”

     “Sinasabi ko lang ang opinyon ko kaya 'wag ka nga'ng affected masyado, hindi mo naman ikayayaman 'yan.”

     “Eh 'yun'g pang-aasar mo? Makakadagdag ba ‘yun sa yaman niyo?”

     “Oo.”

     “Aba at talaga'ng sinagot mo pa.” asar na asar na talaga siya. Bilog na ang mga mata, pati ang butas sa ilong ay hindi rin nagpahuli.

     “Nagtanong ka kaya.”

     “Hay ewan. Nakakainis ka talaga!”

     “O siya para kumalma ka na. Bibili na tayo ng sombrero'ng sinasabi mo.”

   Natahimik siya—kunot pa rin ang noo.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now