6.1

1.2K 17 0
                                    

 (K E V I N)

Naisipan ko'ng magluto ng champorado at ibida 'yun kay Hani. Hindi naging maganda ang alaala namin kasama ang champorado nang huli, balak ko sana'ng palitan 'yun sa isipan niya.

     “Mas magaling ka pala'ng magluto nito, eh ba’t nuon ako pa 'yun'g pinaluto mo?” pagtatanong niya matapos ang isa'ng subo.

     “Simple lang, wala ako sa mood na magluto at gusto ko'ng bigyan ka ng trabaho."

     “Kahit kailan talaga napakasama ng ugali mo.”

     “Masungit na kung masungit, gwapo naman.”

     “He!”

   Natawa ako.

     “Oo nga pala, Hani, may DVD ako ng isa'ng horror movie, gusto mo'ng manuod?”

     “Ayoko sa mga horror movies.”

     “Bakit? Natatakot ka?”

     “Hindi, ayoko lang talaga sa mga ganun.”

     “Kunwari ka pa, matatakutin ka pala.”

     “Basta ayoko.”

     “Ok, ako na lang mag-isa ang manunuod.”

     “Eh di manuod ka'ng mag-isa.”

     “O sige, ikaw ang maghugas ng pinggan ha?”

     “Oo na.”

   Ngumiti ulit ako at nagpatuloy sa pagkain. Sinusulyapan ko siya paminsan-minsan. She's indeed naturally charming.
  

Nagpunta ako ng sala upang manuod ng movie at si Hani naman ay nasa kusina—naghuhugas ng pinggan. Lumingon ako at naisipan ko na naman'g mang-asar kay kutong-lupa. Kinuha ko ang remote at nilakasan ang volume nang pinapanuod ko para marinig niya sa kusina ang nakakatakot na sound effects.

   Natatawa ako habang iniisip ang possible'ng reaksyon niya.

   Pumunta ako ng kusina at naglagay ng hilaw na mais sa isa'ng mangkok tapos pinasok ko sa microwave para maging popcorn. Natapos na rin si Hani sa paghuhugas ng pinggan at umalis papunta'ng kwarto.

   Ngumiti ako at bumalik na rin sa sala habang dala-dala ang mangkok na puno ng popcorn. Mas lalo ko'ng nilakasan ang volume nang pinapanuod ko'ng horror film at humiga na sa sofa pagkatapos. 'Di nagtagal ay bumaba ulit si Hani ng hagdan at nilapitan ako.

     “Bumangon ka nga diyan, uupo ako.” astig na utos niya. Pero halata naman'g natatakot siya.

     “Akala ko ba ayaw mo'ng manuod?”

     “Nagbago 'yun'g isip ko.”

   Bahagya'ng tumaas ang isa'ng sulok ng labi ko at bumangon saka umayos sa pag-upo.

   Tumabi si Hani at kinuha ang mangkok na may laman'g popcorn. Kahit na takot na takot siya ay nanatili pa rin siya sa tabi ko. Pumipikit na lang siya sa ‘twing nagpapakita na ang multo. Hindi ko naman mapigil ang tawa ko habang pinagmamasdan ang nakakaaliw na reaksyon ni kutong-lupa. Hanggang sa mapansin niya na siguro ang ginagawa ko kaya siniko niya ako habang naka-snarl ang labi niya.

     “Hoy, horror 'yan diba? Ba't ka tumatawa?” tanong niya sa’kin.

     “Natutuwa ako sa’yo, halata kasi'ng takot na takot ka.” nakangisi'ng sagot ko.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchKde žijí příběhy. Začni objevovat