Chapter 35: Done Pretending

1.3K 23 1
                                    

( L E A )

Martes ng tanghali, matapos ang huli'ng subject namin ni Hani bago ang lunchbreak ay napansin ko na tahimik lang siya habang yakap-yakap ang mga libro niya.

     “Hani, may sakit ka ba?”

   Napatingin siya sa’kin at natagalan nga sa pagsagot.

     “Wala naman, bakit?”

     “Namumutla ka kasi.”

     “Huh?” agad niya'ng binasa ng laway ang labi.

     “Ok ka lang ba talaga?”

     “Oo naman, wala naman siguro ako'ng sakit. Malakas naman ako eh.”

     “Ok, never mind nalang. Tara, lets have lunch, baka you’re hungry.” I told her, sabay angkla sa braso niya.

   Napangiti siya. She really looked pale.

   Sa cafeteria naman, habang kumakain na kami'ng dalawa ng lunch ay pakonti-konti lang talaga ang kinakain niya.

     “Are you sure you’re okay?” tanong ko ulit.

     “Oo naman.”

     “Nga pala. You wanna come with us? Pupunta kami ng mall.” paanyaya ko sa kanya, maybe she needs some funtime.

     “Bakit?”

     “Nag-aya kasi si Boom kay Bree, at ito naman'g si Bree sinasama ako.”

     “Akala ko ba aalis na si Boom papunta'ng Aklan?”

     “Next week pa daw, kaya sinusulit nila ni Bree ang mga panahon na magkasama sila.”

     “Ganun?”

     “Yup, so sama ka?”

   She paused for a bit and smiled at me as she agreed.

     “Sige, sasama ako.”

     “Ok, buti naman at nang may partner ako. Ayoko'ng maging third wheel sa kanila'ng dalawa. Alam mo naman 'yun'g dalawang ‘yun.”

   She simply smiled.
 

  

Matapos ang klase ay nagsama-sama kami'ng apat sa mall. Nakasunod lang kami sa napaka-sweet na Bree at Boom. I really don’t understand kung ba’t sumama pa kami ni Hani sa dalawa'ng hari at reyna ng mga langgam. Nakaangkla lang ako sa braso ni Hani habang papunta kami sa arcade.

     “Bree, can you please stop being too affectionate sa isa’t-isa?” puna ko kay Bree.

   The two just looked at me and smiled. Napangiti rin ako at tiningnan si Hani but I saw her glum face.

     “Hani. Are you really okay?”

   She looked at me and nodded.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now