10.1

1.2K 20 1
                                    

( H A  N  I )

Naiwan ako'ng nakaupo sa mesa habang kumakain ng prutas. Busy kasi si Kevin sa pakikipag-usap sa iba'ng naka-suit rin na mga lalaki. Si Mama at Papa naman ay kinausap ang iba nila'ng kaibigan kaya hindi nalang ako nakisali. Medyo nainip na rin ako kaya umalis ako sa kinauupuan ko at naglakad-lakad muna.

   Grabe ang sososyal nila. Bawal ata'ng bumuhakhak dito, sobra'ng liit lang ng mga tawa nila, ang liit-liit lang din ng nga kilos nila.

     “You are the wife of Kevin, right?” tanong ng isa'ng babae'ng nakasalubong ko na may dala'ng baso na may laman'g white wine.

     “Po?” tanong ko.

     “Oops, sorry, hindi mo ata ako naintindihan.”

   Sino naman kaya 'to'ng maldita'ng ‘to?

     “Naiintindihan ko po kayo, at tama po, ako ho 'yun'g asawa ni Kevin.”

     “I really couldn’t believe until now na ikinasal si Kevin sa isa'ng—sorry to tell you this ha? Pero hindi ka kasi ka-level ng mga Romero.”

   Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya, at hindi pa pala siya tapos, mas masakit 'yun'g mga sumunod niya'ng sinabi.

     “I heard that you’re just an employee of Danita’s pastry shop, at hindi ka pa nga nakakatapos ng college. But you are already 21 years old, at sa pagkakaalam ko rin, si Danita ang nagpapaaral sa’yo. Hindi kaya pineperahan mo lang ang mga Romero?”

     “Hindi ho totoo na pineperahan ko sila.” seryoso'ng sagot ko.

     “Really? Kung ganun ba’t ang bilis niyo ata'ng nagpakasal ni Kevin? Maybe you seduced him.”

     “Hindi po 'yan totoo.” nagpipigil lang talaga ako. Buti nalang at nasa gitna kami ng pormal na party, dahil kung hindi, baka nakipagtarayan na ako sa maldita at estranghera'ng babae’ng 'yun na kasi'ng laki ng Christmas balls na tinuhog-tuhog ang kwentas na suot niya.

     “Talaga lang? Kung ako sa’yo hija, lalayo na ako sa kanila, habang maaga pa ay humiwalay ka na kay Kevin, may iba'ng babae na nararapat para sa kanya, isa'ng babae'ng malayo'ng-malayo sa pobre'ng kagaya mo.”

   Napayuko ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kaya ko'ng ipagtanggol ang sarili ko kung tutuusin, pero kung sasagutin ko ang mga pangmamata niya sa’kin, baka magalit siya at mas lalo pa'ng lumala ang gulo. Ayoko naman'g maging dahilan nang pagkakasira ng party na ‘yun, kaya hindi nalang ako kumibo.

   Gusto ko nang maluha sa narinig ko. Pakiramdam ko ang liit-liit ko.

     “Mawalan'g galang na po, Tita Melinda.” bigla'ng narinig ko.

   Sa paglingon ko ay nakita ko si Kevin.

     “Si ulupong, ba’t siya nasa likod ko? Itutulak ba niya ako para makipag-away? O sasaluhin niya ako?” ang nasa loob ng utak ko nun.

   Lumapit siya sa’kin at dinugtungan ang sinabi niya.

     “Hindi naman po ata tama na pagsalitaan niyo nang ganyan ang asawa ko. Oo kami ang nagpapaaral sa kanya pero hindi ibig sabihin nun pineperahan niya kami. Pinakasalan ko si Hani at hindi niyo na ho mababago 'yun. Wala po kayo'ng karapatan na diktahan siya na hiwalayan ako, dahil kung tutuusin labas naman kayo sa relasyon namin.” pagtatanggol ni Kevin sa’kin tapos ay naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko. 'Yun'g tibok ng puso ko huminto na naman. Hindi ako makahinga lalo na noon'g hinila na niya ako paalis sa kinatatayuan ko'ng pwesto.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα