Chapter 16: The Man from Her Past

1.5K 22 1
                                    

( H A  N  I )

Nang lingunin ko ang tao'ng tumatawag sa’kin ay para ako'ng nanakawan ng bait. Nakaramdam ako nang panghihina ng tuhod at mas grumabe pa ‘to nang mas lumapit pa siya sa’kin.

     “Ikaw nga. Hani, kumusta ka na?” tanong nito.

     “Stan?” gulat ko'ng tanong.

     “Ako nga ‘to, buti naman at naaalala mo pa ‘ko.” nakangiti niya'ng sagot. Nakatitig lang ako sa kanya na may gulat sa mga mata ko.

   Totoo ba 'to? Siya ba talaga ang nasa harap ko?

     “Ah, busy ka ba? Gusto mo'ng magmiryenda muna?” paanyaya niya sa’kin.

   Bahagya ako'ng yumuko at agad na tumanggi.

     “Hindi na, nagmamadali na kasi ako.” mabilisan ko'ng pinara ang papalapit na taxi at agad sumakay rito nang hindi man lang tumitingin ulit kay Stan.

   Parang namanhid ang buo'ng katawan ko nang makita ko si Stan ulit. Hindi pa rin siya nagbago, ganun pa rin 'yun'g mga ngiti niya. Siya pa rin 'yun'g Stan na dati’y minahal ko. Ang Stan na palagi ko'ng natatakbuhan sa tuwing malungkot ako at ang Stan na dumurog ng puso ko.

   Maging hanggang sa pag-uwi ko ng bahay ay hindi pa rin ako nababalik galing sa pagkatulala. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko ulit ang lalaki'ng sobra'ng iniyakan ko nang dalawa'ng taon.

   Pumunta ako sa kwarto at umupo sa kama. Para ako'ng nawalan ng lakas at bigla ako'ng humiga habang nakadipa.

     “Ano ba ‘to'ng nangyayari sa’kin? Nalilito na tuloy ako, ngayon'g bumalik na si Stan, sign ba ‘to para hayaan ko nalang si Kevin kay Monique?”

   Bigla'ng tumunog ang cellphone ko. Hinila ko 'yun'g bag na nasa paanan ko saka kinuha sa loob ang cellphone. Nang makita ko na si Kevin lang pala ang tumatawag ay tinapon ko lang ang cellphone sa tabi ko.

     “Ayaw kita'ng makausap ngayon kaya 'wag ka'ng makulit.” inis na pagkakasabi ko tapos ay nagtalukbong ako ng unan pero ayaw pa rin'g tumigil sa pag-ring ang cellphone. Inis ko'ng inalis ang unan sa mukha ko at tiningnan ulit ang cellphone, “Sinabi'ng 'wag ka'ng makulit eh!” reklamo ko.

   Nasundan pa ulit ang pagtawag ni ulupong kaya napabuntong-hinga ako at sinagot ang wala'ng kwenta'ng tawag na ‘yun.

     “O.” sagot ko.

     “Ba’t ba ang tagal mo'ng sagutin ang tawag?!” pagsusuplado na naman ng ulupong pero wala ako sa kondisyon para makipagbangayan sa kanya dahil nasa shocked mode pa rin ako. Hindi pa ako nakaka-get over sa pagkikita ulit namin ni Stan.

     “Tulog kasi ako. Ano na naman ba ang kailangan mo?” matamlay ko'ng sagot.

     “Hindi ako makakauwi nang maaga ngayon, mauna ka na rin'g kumain.”

     “Ok.” sagot ko at agad pinutol ang tawag.

   Humiga na ulit ako habang hawak-hawak pa rin ang cellphone.

     “Ano na naman ba ang gagawin mo sa buhay ko, Stan?” matamlay ko'ng tanong. Talaga'ng nag-emote ako.





(K E V I N)

Laki'ng pagtataka ko matapos namin'g mag-usap ni Hani, parang may iba sa boses niya kanina. Dahil lang kaya 'yun sa bago'ng gising siya?

     “Himala, wala ata siya'ng marami'ng tanong ngayon.” pagtataka ko.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now