37.1

1.7K 28 2
                                    

(K E V I N)  

Dahan-dahan ako'ng lumapit sa closet at nang buksan ko 'yun ay nandun pa ang mga damit niya. Pero 'yun'g mga damit na ‘yun, 'yun 'yun'g mga damit na binigay ni Mama sa kanya, 'yun 'yun'g mga bagay na natanggap niya galing sa pamilya ko.

   Napayuko ako at tinawagan ulit siya hanggan'g sa marinig ko na may tumutunog sa loob ng kwarto. Lumapit ako sa banyo at binuksan ang pinto nito pero wala siya ron. Hinanap ko kung sa’n galing ang tunog hanggang sa buksan ko ang drawer na nasa side table ng kama ay doon ko nakita ang cellphone katabi ng wedding ring niya.

   Nanghina ako at napaupo sa sahig at humawak sa corner ng side table kasabay nang pagbagsak ng luha ko.

     “Kaninang madali'ng araw tumawag siya sa’kin, ang sabi niya lalayo na siya. Nagpapasalamat siya sa’kin at sinabi pa niya na bigyan ko ng chance si Monique kasi kayo 'yun'g nagmamahalan.” pag-alala ko sa sinabi ni Mama sa’kin kanina.

   Maging ang sinabi sa’kin ni Hani noon'g nakaraan'g gabi ay bigla'ng bumalik sa isipan ko.

     “'Wag ka nalang bumalik kay Monique. Dito ka nalang sa’kin. Ako nalang ang mahalin mo, please.”

     “Isa lang ang ibig sabihin nito. Lumayo siya kasi akala niya si Monique 'yun'g mahal ko. Ako lang din 'yun'g dahilan kung ba’t siya nawala sa’kin. Ako lang din 'yun'g nagtulak sa kanya para layuan niya ako.” nakaluha ko'ng sabi habang nakaupo sa sahig.

   Kasalanan ko naman talaga lahat.

   Kinalma ko ang sarili ko at hindi hinayaan na madala ng lungkot ang isipan ko. Tumayo agad ako at lumabas ng kwarto para ipagpatuloy ang paghahanap sa kanya.

   Pumunta ako ng terminal ng bus at hinanap si Hani sa mga papaalis na bus papunta'ng Nueva Ecija. Sinuyod ko lahat ng bus na nandun sa terminal, maging 'yun'g babiyahe sa iba'ng lugar ay tiningnan ko rin kung nakasakay ba ron si Hani.

  

Umuwi ako'ng bigo.

   Kung nag-bus nga si Hani, malama'ng kanina pa siya nakaalis. Kung sa’ng lugar man siya nagpunta, 'yun ang hindi ko alam. Wala siya'ng iniwan maliban sa mga alaala.

   Matamlay ako'ng bumalik ng bahay at umupo sa sofa.

     “Kahit na palagi tayong nagbabangayan, nagtatalo at nagpipikonan, hindi pa rin maitatanggi na naging mabait ka rin sa’kin. Salamat sa lahat. Hindi ka man perfect husband, at least may kwenta ka naman.”

   Kaya pala. Ba’t 'di ko napansin 'yun? Hindi ko man lang naintindihan agad ang dahilan kung ba’t ganun siya magsalita.

   Buo'ng araw ako'ng naghintay sa pintuan ng bahay namin, nagbabakasakali pa rin ako na uuwi nga si Hani. Baka may pinuntahan lang siya pero babalik siya, babalikan rin niya ako. Kaso hanggan'g sa maghati'ng-gabi na'y bigo pa rin ako'ng makita ulit siya. Nawala na sa’kin ang babae'ng pinakamamahal ko at ang masaklap pa nito, hindi ko alam kung sa’n ko siya hahanapin o kung mahahanap ko pa ba siya.

   Pumasok ako ng kwarto niya at nandun nga sa gilid ng kama ang photo stand ni Ethan Lin. Pati 'yun'g carousel na binigay ko sa kanya ay iniwan niya rin. Kung ano'ng dala-dala niya noon'g dumating siya sa bahay namin nun, 'yun din ang dala-dala niya nang umalis siya.

   Iniwan niya lahat, pati ako.

   At sa pagkakataon na 'yun ay hindi ko alam kung papa’no mabuhay nang wala siya. Makakaya ko ba ang mga susunod na araw na hindi siya nakikita o marinig man lang ang boses niya.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon