Chapter 24: Their Shouting Hearts

1.4K 25 1
                                    

(K E V I N)

Sa sumunod na linggo, pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Hani sa kwarto na may nilalaro'ng stufftoy.

     “Hoy, ano 'yan?”

     “Bigay sa’kin ni Stan, birthday gift niya kaso na-late lang. Diba ang cute? Little pony na stuff toy.” ngiti'ng sagot ng kutong-lupa.

     “Cute? Hindi naman 'yan cute.” pagmamaasim ko. 

   Nawala ang ngiti niya sa narinig.

     “Palibhasa kasi wala ka'ng taste at hindi ka marunong mag-appreciate sa ginagawa ng iba. Palibhasa kasi gusto mo na ikaw 'yun'g the best, ikaw 'yun'g perfect, ikaw na, ikaw na lahat, sa’yo na. Bilib na ako sa’yo. I salute you.” pag-usok na rin ng ilong niya.

      “Wag ka nga'ng pilosopa. At saka ba’t ka pa binigyan ng regalo ni Stan? May natanggap ka ng bouquet galing sa kanya diba? At March na ngayon, nung isa'ng linggo pa 'yun'g birthday mo.”

   She snarled. Obviously annoyed.

     “Hindi ka ba talaga makaintindi? Belated gift nga niya ‘to. At sinabay niya rin ‘to dun sa gift ng Lola niya para sa’kin.”

     “Lola niya?”

     “Oo. Si Lola Pasing, 'yun'g frenemy ko.”

     “Ano'ng binigay niya?”

     “Basta, 'wag ka nalang magtanong.” at tiningnan ulit ang stufftoy na little pony na kulay violet.

   Inis ako'ng umalis at pumunta sa walk in closet para magbihis.

      “Masaya na siya ron? Sino naman kaya ang nagpasaya sa kanya? Ang little pony o 'yun'g nagbigay nun? Pasimple rin'g dumiskarte 'yun'g Stan na ‘yun ah. Pwes hindi ako magpapatalo sa kanya.” maktol ko.

   Ilan'g saglit pa ay tumingin ako sa pinto at ngumiti bigla nang may naisip ako.

  

Sa pagsapit ng bago'ng araw, naging abala ako sa pag-aasikaso para sa gagawin'g event sa weekend. Halos hindi na ako nakakain dahil sa tambak ang trabaho ko sa araw na ‘yun na kailangan ko'ng tapusin.

     “Sir, ito na 'yun'g financial statement ng department ko.” balita sa'kin ni Clark.

     “Pakilagay nalang diyan.” sagot ko sabay turo sa mesa ko habang nakatuon ang mga mata sa menu na binigay ng master chef namin.

     “Sobra'ng busy ba?”

     “Oo nga eh, kailangan ko'ng tapusin 'to ngayon para iba naman ang asikasuhin ko bukas.”

     “Ano naman'g aasikasuhin mo bukas?”

     “Basta.”

     “Mas importante ba ‘yun?”

     “Oo.”

     “Ok, hindi na kita aabalahin. Aalis na ako, sir.”

     “Sige.”

   Sa paglabas ni Clark ay nahagip ng mga mata ko ang cellphone ko na nakapatong sa mesa.

     “Ano kaya'ng ginagawa ng kutong-lupa'ng 'yun?” tanong ko sa sarili. Wala'ng ano-ano'y dinampot ko iyun at ni-dial ang number ni Hani.

     “Siyanga pala—” putol na sabi ni Clark.

   Hindi ko na itinuloy ang pagtawag kay Hani nang makita ko si Clark.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now