32.1

1.2K 24 0
                                    

(S T A N)

Napangiti ako habang tinitingnan ang mga cellphones namin'g dalawa ni Hani.

     “Ganyan nga, Kevin. Mataranta ka. Pasalamat ka 'yan lang ang ginawa ko.”





(K E V I N)

Nakita ko sa labas ng gate ng bahay nila si Stan. Nakatayo pa ang gago at hinihintay na bumaba ako ng kotse ko. Inis ko'ng pinarada ang kotse at lumabas para sunduin na si Hani.

     “Kukunin ko na si H—” habang papasok sa gate nina Stan.

     “May concern ka rin pala sa asawa mo.” sagot niya na nagpatigil sa’kin.

   Bumuntong-hinga ako at nilingon siya.

     “Ano ba'ng klase'ng tanong ‘yan? Asawa ko si Hani.”

     “Talaga? Alam mo pa pala na asawa mo siya.”

     “Pwede ba 'wag ka'ng mangialam sa’ming dalawa? Susunduin ko na siya, nasa’n siya?”

     “Natutulog siya sa kwarto ko.”

     “Ano'ng sabi mo?” kunot-noo ko'ng tanong sa kanya.

     “Pero 'wag ka'ng mag-alala, wala ako'ng ginawa'ng masama sa asawa mo.”

     “Siguraduhin mo lang.” nagtitimpi ko'ng sagot

   Papasok na dapat ako sa gate nila pero pinigilan ako ni Stan.

     “Mag-usap muna tayo. 'Yun'g lalaki sa lalaki.”

     “Wala ako'ng panahon. Kailangan na namin'g umuwi ni Hani.”

     “Ganyan ka ba talaga? Wala ka'ng pakialam sa mararamdaman nang iba'ng tao? Selfish ka nga talaga.”

     “Wala ka'ng karapatan'g sabihan ako nang ganyan, hindi mo 'ko kilala.”

     “Siguro nga. Pero sa nakikita ko'ng ginagawa mo kay Hani, parang kilala ko na rin kung ano'ng klase'ng tao ka."

   Hinarap ko siya, handa na ang kamao ko.

     "Alam mo ba kung ba’t nandito si Hani? Alam mo ba kung ba’t magkasama kami? Alam mo ba'ng sobra na siya'ng nasasaktan dahil sa’yo?”

     “Ano'ng sabi mo? Nasasaktan siya?”

     “Insensitive at selfish ka! Kung katumbas lang sana ng isa'ng luha ni Hani ang isa'ng suntok ko sa’yo. Baka nakaratay ka na sa ospital ngayon o baka nga namatay ka na. Pasalamat ka nakakaya pa'ng magtiis ni Hani sa ugali mo.”

   Tama ba ang narinig ko? Palagi siya'ng umiiyak dahil sa’kin?

   Para ako'ng nanghina sa narinig ko.

     “Kung talaga'ng mahal mo si Hani, hindi mo siya sasaktan. Hindi ka gagawa ng mga bagay na alam mo'ng makakasakit sa kanya. Uunahin mo ang kaligayahan niya kumpara sa kaligayahan mo. Hindi selfish ang pagmamahal Kevin, kundi isa'ng dakilang martir ito. Kaya kung ikaw ang tatanungin ko, talaga ba'ng mahal mo siya? Dahil kung hindi mo siya mahal, pakawalan mo na siya. May mas karapat-dapat sa kanya, isa'ng tao'ng hindi makasarili'ng kagaya mo.”

   Nang marinig ko ang mga sinabi niya, umurong ang dila ko. Wala ako'ng maisagot dahil natamaan ako sa lahat nang lumabas sa bibig niya.

   Nauna'ng pumasok si Stan sa loob ng gate nila habang ako naman ay natigilan at hindi halos makagalaw.  Bigla'ng sumikip ang dibdib ko at nakaramdam nang galit sa sarili.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now