CHAPTER 2 : DELGADO

53.9K 1.2K 752
                                    

#SAT9S


CHAPTER 2 : DELGADO


Lawren Harris Delgado. Iyon ang buo niyang pangalan. Tinatawag siyang 'Ren' sa klase namin. Major in Mathematics ang kinukuha niyang course. Masasabi kong matalino siya kahit hindi siya yung tipong active sa klase. May mga pagkakataong tulog siya sa ibang subjects pero pagdating sa mga activities at tests, isa siya sa mga nakakakuha ng matataas na grado.


Nung unang araw lang kami magkatabi. Hindi na naulit pa 'yon. Sa loob ng halos limang buwan naming magkaklase, mabibilang sa kamay ang mga pagkakataong nakausap ko siya ng matagal. Mostly, tungkol sa projects kung saan napasama kami sa iisang group. 'Hi', 'Hello' at 'Good morning' lang ang normal na usapan namin. Simpleng batian.


"Georgia, ikaw raw magprint ng output. Bigay ko na lang sayo yung natapos ko. Na-edit ko na 'yon. I-review mo na lang tapos ipasa mo sa leader natin."


Isa 'yon sa pinakamahaba niyang nasabi sa akin. Kinaiinisan ko siya minsan nang hindi niya alam. Siya lang kasi ang bukod tanging nagmamatigas na tawagin akong 'Georgia' habang ang mga kaklase namin ay nasanay na sa pagtawag sa akin ng 'George' o kaya 'Rante.'


Pag nagkasalubong kami sa hallway, swerte na pag nginitian niya ako. Pag nangyayari kasi 'yon, madalas ay kasama niya ang girlfriend niya. Sa napansin ko, kapag kasama niya ang kanyang girlfriend ay nakatuon rito ang buong atensyon niya. Tila wala siyang nakikitang iba.


Hindi ko alam kung bakit sa dami ng tao sa university na pinasukan ko, siya ang lagi kong napapansin. Hindi siya nagpapapansin pero kusa siyang napapansin. Ano bang meron sa kanya?


Nakaklase ko siya sa lahat ng minor subjects ko nung first semester pero hanggang do'n na lang 'yon. Hindi ko siya naging close. Nakikisama siya sa iba pero may pagkamisteryoso pa rin. Para siyang abstract painting. Hindi mababasa sa isang tingin.


Ba't siya ang lagi kong napapansin? Eh, hindi naman kami close, di ba? Hindi ko rin alam. Siguro factor ro'n ang pagiging misteryoso niya. Pangalawa, simula palang nung makita ko sila nung girlfriend niya, parang nawili na ako sa pagmasid sa kanila pag natyetyempuhan ko sila sa paligid.


One time, nakita ko siyang tawa ng tawa habang nagpipigil naman ng ngisi ang girlfriend niya. Hindi ko kaagad ang tingin ko sa kanilang dalawa. Marami naman akong nakikitang magsyota rito sa university na wagas makipagtukaan sa isa't-isa pero sila talaga yung masarap pagmasdan. Ewan ko. Siguro dahil may aura silang kakaiba sa ibang magsyota na nakikita ko. Parang masyadong silang masaya, carefree at tila walang pinoproblema. Hindi ako nauumay at minsan napapangiti ako nang hindi ko namamalayan. Kulang na lang ay ilagay sa harap nila ang karatulang 'Relationship Goals.'


Nakatutuwa but at the same time, nakakabitter. Ba't kaya hindi lahat ng tao nakakaranas ng nararanasan nila? Nasaan ang pantay-pantay na hustisya?


Hindi ko nakaklase si Ren nang magsecond semester. Pati rin ngayong 2nd year first sem. Nakakasalubong ko pa rin siya sa hallway at tinatanguan niya ako minsan bilang pagbati. Yung girlfriend niya, parang ang hirap abutin. Masyado siyang perpekto sa paningin ko dahil sa kasimplehan niyang babaeng-babae ang dating. Hindi ko siya kilala pero hinahangaan ko siya. Hindi man siya yung pinakamaganda sa university, siya naman yung tipong susundan mo ng tingin. Ewan ko. Idol ko na ata 'yon. Siguro ay dahil hindi ko nakikita sa sarili ko ang mga nakikita ko sa kanya.

Stuck At The 9th StepWo Geschichten leben. Entdecke jetzt