CHAPTER 38 : BULLET

25.8K 1K 1K
                                    

#SAT9S



DEDICATED TO : Danica Millen Rivera



CHAPTER 38 : BULLET


Nang mapawi ang ngiti ko ay tinitigan ko siya ng matagal. Nag-iisip ng sasabihin pabalik. Tumuwid ako ng tayo at huminga ng malalim.


"I am just trying to be nice." Marahan kong pagpapaliwanag. "Hindi mo ko kailangang sabihan ng ganyan."


"Talaga?" Flat ang kanyang tono kaya hindi ko matukoy kung sarcastic ba siya, galit o ano. "Kaya mo palang maging 'nice' sa akin pagtapos ng lahat?"


Lumakas ang pintig ng puso ko at marami akong gustong sabihin sa kanya ngunit tinikhom ko ang aking bibig na para hindi ako magmukhang naghahanap ng gulo.


"Hindi ko nga alam kung ba't mo ako kinausap. Kaya naman kitang iwasan." Sinukbit ko ang bag sa aking balikat.


Ngumiti siya at tumingin sa ibang direksyon. Nanatili akong titig na titig sa kanya. "Umiiwas ka dahil ayaw mo nang gulo o dahil ayaw mong makita ng iba na nasasaktan ka? You can't escape pain. You can hide but not for a long period of time. Besides, you're as transparent of glass. Someone is bound to break you."


Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng aking bag. Umangat ang tingin ni Georgia sa nakakuyom kong nakakamay. Muling tumaas ang labi niya na tila nanunuya. "If were on your place, hindi ako hahawak ng mahigpit sa isang bagay para pipiin 'yon nang dahil sa inis. I would definitely slap the person in front of me."


Naningkit ang mata ko. "Sinasabi mo ba na gusto mong saktan kita?"


"No." Tinignan niya ulit ako sa mata. "But I want you to fight. Sometimes, being kind will get you nowhere."


Kumunot ang aking noo. Mas lalo akong naguluhan sa takbo ng pag-uusap namin at sa gusto niyang iparating. Hindi ko maintindihan. Nanatili akong nakatitig sa kanya hanggang sa tumalikod siya at akmang lalabas nang banyo. Do'n ako natauhan.


"Georgia." Napahinto siya nang tawagin ko ang pangalan niya ngunit hindi siya lumingon. "I want us to talk."


"Tomorrow. 7 pm. Pumunta ka sa university gymnasium." Walang lingon niyang sagot. Iyon lang at iniwan niya na ako. Ilang segundo pa akong tigagal bago ko kinuha ang laptop ko at niyakap 'yon sa aking dibdib.


Pumikit ako ng mariin. Hindi ko na ako makapag-isip ng maayos dahil sa engkwentrong 'yon. Lumabas ako ng banyo at nakita ko sa pasilyo si Ervis. Kumunot ang noo niya nang makita niya ako. Nginitian ko siya.


"Sorry, natagalan ako. Nasa'an na ang iba?"


"Nasa service na." Tinignan niya ako ng mabuti bago siya tumingin. "Uhm, saan ka galing?"


"Sa washroom." Simple kong sagot na nagpatigil sa kanya. Huminto siya sa paglalakad kaya naman napahinto rin ako sabay lingon sa kanya. "Problem?"

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now