CHAPTER 14 : CONFIRM

30.5K 1K 420
                                    

#SAT9S


CHAPTER 14 : CONFIRM


"Gusto mo ba ako?"


Nang marinig ko ang nakamamatay sa kahihiyan katanungang 'yon ay parang may sumabog na bomba sa magkabilang tainga. Nakabibingi at nakawiwindang ng sistema. Daig ko pa ang tinamaan ng kidlat. Parang natuka ako ng ahas at nakatitig na lang sa kanya. Sandaling huminto sa pagtibok ang puso ko sa loob ng ilang sandali. Nang tuluyang bumaon sa aking isipan ang buong ideya ay naging bayolente 'yon  at literal na sumasakit ang dibdib ko sa pagkabog nito. Halo-halo ang emosyon ngunit mas nangingibabaw ang hiya at kaba. Hindi malaman kung itatanggi kagaya ng nakagawian kong gawin o aamin para matapos na?


Matatapos nga ba? Shit.


Huminga ng malalim si Ren. Tumungo siya sa lababo at kumuha ng bowl para ilagay ro'n ang cube ice. Nakatitig pa rin ako sa pwesto niya kanina. Hindi makabawi sa pagkawindang,


Muli siyang humarap sa akin at marahang ngumiti.


"If you don't mind, pwede ba nating pag-usapan?" Maingat niyang tanong.


Lumipad muli sa kanya ang tingin ko. Blanko ang isipan ko. Hindi makaisip ng sasabihin. Hindi malaman kung ano ang iaakto. Tila punung-puno ng bara ang lalamunan ko at hindi ko 'yon maalis-alis. Namamawis ang aking noo. Wala sa loob na naibaba ko ang kutsarang hawak ko at pinagsalikop ang aking kamay sa ilalim ng mesa dahil nanginginig 'yon.


Hindi ko alam kung saan pa ako nakahugot ng lakas para sagutin siya.


"Ba't ganyan ang mga tanungan mo? Parang medyo kakapalan na ata 'yan." Flat kong sagot at pinagpasalamat ko sa lahat ng santo na hindi ako nautal!


Natawa siya. Sumandal siya sa sink at humalukipkip. "Sabihin na lang natin na ang instinct ko ay hindi tulad ng sayo at sa ibang tao."


"Animal instinct." Bulong ko ngunit narinig pa rin niya at tinawanan.


"You can call it like that but you must admit that it's accurate."


"Na ano? Na may gusto talaga ako sayo?"


"Mahirap bang umamin?"


"Aba, oo!" Burst out ko sa sobrang pressure. Konti na lang at masasapak ko na ang sarili ko. Agad ko rin namang bumawi. "O-oo. Lalo na pag. . .pag h-hindi naman totoo!"


Ngumiti siya at pinaningkitan ako ng mata na tila ako sinusuri. Pinanlisikan ko naman siya ngunit mukhang animal talaga itong isang 'to dahil hindi ko man lang 'to nasindak ni minsan.


"Hindi masamang umamin minsan. Ikaw rin. Baka hindi ka na tanggapin sa langit niyan."


"Hindi masamang bawasan ang pagkakapal ng mukha natin minsan. Ikaw rin. Baka makita na lang kita sa library. Ikaw na ang pinalit sa encyclopedia at dictionary." Tugon ko na ikinatawa niya ng malakas.

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now