CHAPTER 79 : BELLAROCCA

28.8K 1K 464
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : CHESKA LOREN  LEYES

CHAPTER 79 : BELLAROCCA

Hindi mahirap hulaan kung anong gustong iparating ni George pero mababaliw na ata ako kakaisip kung ano ang nagtulak sa kanyang gawin 'to. Why? May kinalaman ba 'to sa nangyari kagabi? Dahil ba sa sinabi ni Shinn?

Napasabunot ako sa aking buhok. Bakit gano'n? Did she change her mind? I told her to stay. We can work this out. Damn. I hate this feeling. I even hate the words in her letter. Mula noon hanggang ngayon, masakit pa rin kapag pakiramdam ko ay naiiwan ako sa ere. Masmasakit kapag pakiramdam ko ay pinamimigay ako sa iba. I've experienced this before. Kay Rhea. Nangyayari ulit.

Na-frustrate lang ako katatawag ng number ni George. I called our common friends pero wala rin silang alam. Even Ervis.

"May problema ba kayong dalawa?"

"She told me we're fine but before last night, hindi ko na alam. Wala akong kaalam-alam na nag-file siya ng leave sa trabaho. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. I can't contact her. Galing raw siya rito sa bahay kaninang umaga pero may iniwan lang. Wala siyang sinabi sa akin."

"Hindi kayo nag-away?"

"Hindi."

"Abnormal talaga 'yon." Bumuntong hininga si Ervis. "Hayaan mo muna. Baka nagbakasyon lang at ayaw ka isama? Baka gusto mag-unwind at mag-isip?"

"How could you say that-"

"Stop being paranoid, Ren. Kaya ni George ang sarili niya. Huwag kang masyadong mag-alala."

"Sigurado ka bang hindi mo siya tinatago?" Nagdududa kong tanong.

"What the fuck, dude? Iyon pa ang itatago ko? Hagis ko pa siya pabalik sa'yo. Hayaan mo na muna. Sinabi naman niyang babalik siya, di ba?"

Yes. Pero walang sinabi kung kailan. Wala siyang iniwang rason. Iniwan niya akong nag-iisip kung bakit. Naisip kong baka pumunta siya kina Celine. Wala akong number no'n at hindi ko alam kung saan iyon nakatira. Posible ring bumalik siya sa bahay ng magulang niya. Thin chance. They're still not in good terms.

Natawagan ko na ata lahat ng kaibigan niyang kaibigan ko rin pero wala akong napala. Hindi ko pa rin siya nahanap. She doesn't want me to find her. Hindi lang ako mapakali kaya nagpatuloy ako hanggang sa lumalim ang gabi at hindi ko pa rin alam kung nasaan siya.

Paulit-ulit kong binasa ang iniwan niya. Bakit niya sinabing sana gumawa na lang ako ng paraan kaysa maghintay sa kanya? Bakit gusto niya pang matauhan kaming pareho gayong tapos na kami ro'n?

Tapos na nga ba?

Dala na rin ng pagod at kulang rin sa tulog nung nakaraang gabi kaya nakatulog ako ng tuloy-tuloy. Kinabukasan ay pinag-isipan ko kung papasok ba ako o hahanapin si Georgia.

Nasa gano'ng pag-iisip ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "Ren."

Napabangon ako nang mabosesan si Shai sa labas. Bumuntong hininga ako saka binuksan ang pinto.

"Ren." Ngumiti siya sa akin. "Good morning. Naistorbo ba kita?"

Umiling ako. "Why?"

"Tito Loren just called. Hindi mo raw sinasagot ang tawag niya."

"Kagigising ko lang. I'll call him back. May binilin ba?"

"Ang sabi lang uuwi na siya bukas from Spain."

Tumango ako. "Anything else?"

"Uhm, don't you want to have breakfast?"

Tinitigan ko siya nang matagal at umiling na lang ako. "I'm already late."

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now