CHAPTER 80 : TAUGHT

34.7K 1.2K 694
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : KAREN BRAZA JACINTO

CHAPTER 80 : TAUGHT

Pagtapos kong matauhan ay pinilit kong tumayo. Hinila ko rin patayo si Rhea at mabilis siyang nilayo kay Shinn na nakatulala na lang din.

Dinala ko siya sa villa ko. Hindi ko alam kung paano ko pa kakalmahin ang sarili. Pakiramdam ko ay isa akong bomba na ilang segundo na lang ang natitira at sasabog na. Lahat ng emosyon ko ay naipon sa dibdib ko. Gusto ko manuntok. Gusto ko magwala at sumigaw. Gusto manakit. But I'm Rhea and I have to clear things with her. Nang masara ko ang pinto ay sinandal ko siya ro'n.

Kagat niya ang labi niya at mariing siyang nakapikit. Basang-basa kaming pareho. Wala siyang ibang suot maliban sa bikini. Nararadaman ko na ang lamig sa suot kong t-shirt at board short pero kabaliktaran no'n ang init ng ulo ko.

Tinukod ko ang dalawang kamay ko sa pinto at  dinantay ang noo ko sa noo niya. Nang magkaro'n ako ng lakas ng loob ay hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Basa 'yon ng luha. Kailan ba siya titigil sa kaiiyak?

"You don't have to do that. I swear. I'd rather be killed than to see you kneeling in front of anyone." Nag-init ang mata ko.

Masakit tanggapin. Nakita ko. Nakita ng dalawang mata ko kung anong ginawa niya. Masakit aminin sa sarili na kasalanan ko talaga. Na yung babaeng iningatan ko ng ilang taon, minahal ko ng ilang taon, iniwan ko at nilayuan ko ng isang taon ay lumuhod sa isang lalaki at nagmakaawa. Hindi ko siya iniwan para lang maging gano'n. Hindi ko hiniling 'to para sa aming dalawa. Least of all, para sa kanya. Gusto ko man humingi ng tawad sa nangyari ay nangyari na.

"Tama na, please. Tama na 'yon. Isipin mo yung sarili mo. Huwag na ako. Huwag na sila. Ikaw na lang." Hindi ko siya matignan sa mata. Minura ko ang sarili ko. Nakakaduwag. Sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa, akala ko wala ng mas sasakit pa ro'n. Then, ano 'to? Para akong binibiyak sa gitna pero buhay pa rin.

Wala akong masabing tamang salita para sa nararamdaman ko. Akala ko nabigyang kahulugan ko na sa lahat paraan ang salitang 'sakit.' Naubos ko na pala at wala ng natira. Parang ako na unti-unting nauupos.

"Ang babaw babaw ko na ba, Ren?" Mahina niyang tanong. Mabilis akong umiling pero nanatiling nakapikit. Hindi ko siya kayang tignan ulit. Kailangan ko pang sumandal sa kanya para kumuha ng lakas.

Hindi siya mababaw. Iyon lang ang masasabi ko. Nasa isip ko ang sagot pero nanatili akong hindi nagsasalita. Gusto ko humiling na sana maglaho na lang akong parang bula. Hindi ko kayang humarap sa kanya. Naririnig ko siya, nararamdaman pero bakit parang magkalayo pa rin kaming dalawa.

"I have every reason to do it, Ren. Hindi ko lang masabi sa'yo kasi pakiramdam ko masbaba ang tingin mo sa akin."

Bumaba ang ulo ko sa balikat niya dahil parang ayoko makinig. Dahil alam ko na makakasakit lang 'yon sa akin, sa aming dalawa. Pero hindi ko naman siya kayang pigilan na magsalita kaya wala ibang option kundi makinig at indahin ng paulit-ulit ang sakit.

"Nung sinabi na magmumukha akong tanga at desperada sa paghahabol sa'yo, nasaktan ako." Nanginginig ang boses niya at napatiim ako ng bagang. "Nasaktan ako kasi alam kong hindi ako 'yon, eh. Hindi ako 'to. But you said to me, you don't mind the changes. You love me despite the changes. But that time, you mind it. And it made me think that your love was gone and it's impossible for me to gain it back."

"Nung wala ka sa graduation ko, ayoko na umattend. Pero nilunok ko, tiniis ko kasi that was my choice. I was the one who let go. Siguro punung-puno ka na sa kaartehan ko, sa immaturity ko, sa lahat ng insecurities ko. I couldn't blame you kung ba't ka umalis. Hanggang sa hindi ko na kaya. I tried to escape the pain in so many ways. In so many ways."

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon