CHAPTER 68 : COLLIDE

25.2K 928 359
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : JECEL ILUSTRISIMO

CHAPTER 68 : COLLIDE

Terminated lahat ng cards ko. Even my personal fund. Ang natitirang pera ko ay ang sarili kong ipon. Perang naipon ko simula nang magtrabaho ako at tumulong kay Dad sa mga business namin. Sigurado akong hindi magkakasya 'yon kung do'n ko iaasa ang pananatili ko rito sa New Zealand.

Hindi ko inasahang ito ang magiging kapalit ng pagsuway ko kay Dad. Parang gusto ko magrebelde pero ayokong pasamain lalo ang loob niya. Hindi ko alam kung gaano na kalaki ang naiwang problema sa business namin. Pinagpasalamat ko na lang na summer kaya wala pang pasok sa academy. Natitiyak kong kung may problema man sa school, hindi iyon malaki at madaling resolbahan agad.

Siguro ay talagang nasagad ko ang pasensya ni Dad. Nakakasama ng loob ang ganti niya pero hindi ko siya kayang kwestyunin. Alam kong nagpabaya ako at naging iresponsable. Hindi ko na-handle nang maayos ang mga bagay na pinagkatiwala niya sa akin.

I never wanted this to happen but this is where my choices led me. Kailangan ko panindigan. Nakapili na ako. I chose to stay here in NZ para maayos ang lumalabong relasyon namin ni Rhea.

"It's already June. Ba't hindi ka pa umuwi? Wala kang mapapala rito."

Sobrang lamig ng pagkakasabi ni Rhea nang mga salitang 'yon. Yumuko na lang ako para hindi niya makitang nasaktan ako. Ramdam na ramdam ko ang nagyeyelong lamig mula sa kanya pero nagawa kong magtiis. Kung hindi ko iindihan, mawawalan ng saysay lahat ng desisyon ko.

Hindi ako sumagot dahil wala naman akong maisasagot na maayos. Ang alam ko lang ay mananatili ako hangga't hindi pa kami nagkakalinawan.

Ilang beses niya na akong tinaboy pero hindi ko nagawang umalis. Minsan, tahasan. Masakit pag sinasabi niya pero mas matindi ang sakit pag pinaparamdam niyang wala na siyang pakialam sa presensya ko. Pero kahit gano'n, hindi ko magawang bumitaw. Mas lalo lang akong nagpursigi na sundan siya, mag-effort hangga't kaya pa. Umaasang lalambot ang puso niya.

"Beh, magpapart time ako rito." Sumapit ang July at hindi na talaga ako nakabalik sa Pilipinas. Sigurado akong tapos na ang enrollment at imposibleng makahabol pa. Kung mananatili ako rito, kailangan ko magtrabaho dahil pag inasa ko ang gastusin ko sa sarili kong ipon, madaling mauubos 'yon. So, my first plan is to work.

Lumingon siya sa akin nang nakakunot ang noo. "Why?"

"Gusto ko lang na nandito ako." Pride ko na lang bilang lalaki ang natitira. Hindi ko kayang ipaalam sa kanya na hindi malaki ang perang natira sa akin. Hindi ko rin kayang ipaalam sa kanya na may gusot kaming dalawa ni Dad dahil sigurado akong maspipilitin miya akong bumalik sa Pilipinas. Ayokong manyari 'yon.

"Hindi ka mag-aaral?" Maang niyang tanong.

Huminga ako nang malalim at umiwas ng tingin. "Mas mahalaga ka pa rin sa akin."

Bumaling din siya sa ibang direksyon. "Umuwi ka na."

Tatlong salita lang 'yon pero pakiramdam ko ay tatlong patalim 'yon na sagarang bumabaon sa katawan ko. Hindi ko talaga gustong umalis at iwan siya gaano man karesonable ang dahilan nang pagpilit nilang bumalik ako sa Pilipinas. Ayokong biguin siya pero mas ayokong dumating sa punto na tuluyan siyang mawala.

"Ayoko." Nagmamatigas pa rin ako.

"Umuwi ka na sabi!" Nahimigan ko ang galit at iritasyon sa boses niya. "Para sayo 'yon! Hindi para sa akin."

Hindi ako umimik sa loob ng mahabang sandali. Wala akong masabi pabalik. Pagod na ako mangatwiran. Napapagod na ang tainga ko sa pakikinig sa panunumbat at pagtataboy niya pero hindi ko mapilit ang sarili ko na umalis at iwan siya. Okay na ako sa ganito. Sa ngayon. . .

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now