CHAPTER 61 : REN

30.3K 996 453
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : KRISTINE JOY TAGOC

CHAPTER 61 : REN

May mga pangyayari sa buhay ko na gusto kong baguhin. Gusto ko baguhin sa kadahilanang marami akong nasaktan. Ngunit naisip kong hindi dapat talikuran ang desisyon lalo na't walang nag-udyok sa akin na gawin 'yon. Kung pwede ko lang kunin ang sakit na naibigay ko sa iba, ginawa ko na. Naiintindihan ko kung bakit wala akong kakampi. Naiintindihan ko kung bakit mag-isa ako sa madilim na silid na 'to. Naiintindihan ko kung bakit wala silang tiwala. Nasaktan ko sila. Hindi ko sinasadya pero huli  na para humingi ng tawad.

May mga pangyayaring gusto ko kalimutan pero kahit nakapikit na ako, naalala ko pa rin. Kahit sa pagtulog, dala-dala ko pa rin. Kasama pati sa panaginip. Para akong binabangungot. Kaya imbis na kalimutan ay araw-araw kong inaalala. Paulit-ulit ang sakit. Nakakasawa pero sobra kung magpamanhid. Nakakabato ng puso. Nakabobo ng isip. Nakatatak na 'yon sa buong pagkatao ko. Alam kong 'yon ang una nilang maaalala sa tuwing nakikita nila ako.

May mga pangyayaring gusto kong pagsisihan pero hindi ko magawa dahil nakadugtong 'yon sa kung ano ako ngayon at sa kung ano ako sa hinaharap. Wala akong pagpipilian kundi tanggapin lahat ng sisi, lahat ng panghuhusga at lahat ng galit nila dahil aminado akong sa akin 'to nagsimula. I know I deserve to be hated pero hanggang kailan? Kapag nakapagpaliwanag na ako nang maayos? Kapag may resonable akong sagot sa lahat ng tanong nila?

May paliwanag ako pero tinapon ko na lang. Para saan pa? Sinubukan ko namang magsalita at magmakaawa pero walang makinig. Iyon siguro ang kapalit ng sakit na naibigay ko sa iba. Kahit pa gaano kahaba ang paliwanag, hindi maiintindihan hangga't galit sila. Sinubukan ko ring tanggalin ang galit nila pero nagmukha lang akong tanga. Gusto ko ring magalit pero sabi nga, pag may kasalanan, walang karapatang magalit pabalik.

May mga pangyayaring gusto kong balikan. Hindi para baguhin kundi maramdaman ulit ang emosyon na nakaligtaan kong ingatan. Sayang. Sobrang nakakapanghinayang na sa tuwing naalala ko kung ano kami noon, para akong mababaliw sa sakit. Oo, masakit. Nasaktan din ako pero dahil galit sila, hindi nila 'yon alam. O siguro alam nila pero wala silang pakialam. Hiniling ko na sana hindi na kami nagbago. Malayo na kami sa kung sino at ano kami noon at ngayon. Napakalaki ng pababago nang lumipas ang panahon.

Gusto ko sana yung tulad ng dati. Simple lang. Walang masyadong problema. Walang bigat sa pakiramdam. Madalas na masaya. Walang araw na hindi kami tumatawa. Totoo pala na ang sobrang saya ay may kapalit. Sa nangyari ngayon, bawing-bawi ang saya at napalitan ng walang kapantay na sakit.

Ang akala ko ay naibigay ko lahat. Maybe, I did. I know I did best. Pero hindi sapat iyon para mapanatiling akin ang iningatan ko nang napakatagal. Saan ba natatantya ang pagpapahalaga? Sa tagal ng panahon o sa sakripisyong naibigay? Kailan ba dapat tumigil? Kapag wala na ang pinahahalagahan o pag ubos na ubos na ang nagpapahalaga?

Nangyari 'yon lahat sa akin pero hindi ko pa rin alam ang sagot. Maybe because I didn't try harder. Napagtanto ko na kahit napagdaanan ng tao ang isang pangyayari, nalilito pa rin ito pagpili ng desisyon.

Napapadaing ako sa bawat pwersang natatanggap ng katawan ko. Sobrang sakit pero pinigilan ko sumigaw. Hindi ako magmamakaawang itigil nila ang ginagawa nila. Kung gusto sila ang tatapos sa akin at mamamatay ako ngayon, masmaganda. Masmaganda. . .

"Kaya mo pa? Gago ka, eh. Tiwalang-tiwala ako sayo."

Malakas na palo ang naramdaman ko sa hita ko. Hindi ko na napigilang sumigaw. Nararamdaman kong malapit na akong panawan ng lakas.

"Rhea. . ." Hindi ko alam kung lumabas ang pangalan niya sa bibig ko. Hindi ako sigurado. Parang ako na lang ang nakakarinig sa sarili ko.

Pumikit ako ng mariin. Sana pagtapos nito hindi na ako magising. Paulit-ulit na bumalik sa isipan ko ang iningatan kong alaala kasama siya. Yung mga pangarap at pangakong malapit na sanang matupad. Lahat iyon nasira kasama ng tiwalang meron siya sa akin.

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now