CHAPTER 70 : GO HOME

24.3K 835 301
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : KILLUA CORPUZ

CHAPTER 70 : GO HOME

George and I have been fine since then. Siguro ay talagang natanggal na lahat ng galit ko sa kanya at naisip kong katangahan ang sisihin siya. Minsan kong naisip kung gaano kalaking pabor ang binigay niya sa akin. It was bigger than what I expected.

"May closure ba kayong dalawa?"

Napabuntong hininga ako. "Hindi ko alam kung anong klaseng closure ang kailangan. Ayokong ipilit ang sarili ko sa kanya lalo na't naramdaman kong ayaw niya na talaga. For a year, she had been consistent on blaming me and I couldn't blame her back 'coz I have my own faults."

"You. . .don't want to see her again?"

Natahimik ako. Hindi ko alam kung pagtapos ng lahat, gugustuhin ko pang magkita kami. Dahil kung mangyayari man 'yon, paniguradong mabubuhay na naman lahat ng sakit at mauungkat ang mga dating problema na hindi na dapat hinuhukay. Isa pa, paano ako makakabangon kung ibabaon ko ang sarili ko sa nakaraan naming dalawa ni Rhea?

Minahal ko siya nang sobra at tinapon niya 'yon nang dahil sa isang pagkakamali. Naparamdam niya sa akin na hindi ko kayang bumawi kahit ginawa ko na lahat. Ano pang mabibigay ko sa kanya kung siya mismo ang nagbasura? Pati pride ko ay durog na.

Napailing ako. "Kung magkakasakitan lang din naman kami pag nangyari 'yang sinasabi mo, masmagandang huwag na lang."

Napaiwas ng tingin si Georgia. "Kilala ba niya ako?"

"Of course."

"Sinabi mo sa kanya lahat?"

"Yes." Huminga muli ako ng malalim. "But unfortunately, ayaw na niya maniwala."

Siya naman ang natahimik. Sa tuwing maaalala ko ang mga away namin at ang pagpipilit kong magpaliwanag, I feel so pathetic. Hindi ko 'yon ininda noon pero bumabalik sa akin lahat ngayon. At kung sakali mang ito na ang simula, hindi ko rin masasabi kung mabuti o masama para sa akin ang matauhan sa ganitong paraan.

"Sa tingin mo," nagsalita siyang muli paglipas ng mahabang sandali. "Sa tingin mo, makikinig siya kung ako ang kakausap sa kanya?"

Marahas akong napalingon kay Georgia habang nagpapatuloy siya sa pagsasalita.

"Sa simula palang, sinabi ko na sa'yo, di ba? Ayokong makasira ng relasyon. Yung naranasan ko kay Oliver. . ." Huminga siya nang malalim. "Sapat na 'yon para malaman ko kung sa'n ako lulugar."

"Malabong makausap mo siya." Wala sa sarili kong tugon. "Dalawa lang naman kahihinatnan niyan, maiintindihan niya o masasaktan lang siya lalo."

Ngumiti siya. "Ayaw mo lang siyang saktan ulit kaya parang paranoid ka na mag-isip."

Kunot-noo ko siyang nilingon. "Paranoid?"

"Oo. Hindi mo ba napapansin 'yon sa sarili mo?" Pumangalumbaba siya at tumingin sa ibang direksyon. "Alam ko namang mahal na mahal mo 'yan. Hindi ko nga ma-imagine kung anong ginawa mo sa ibang bansa sa loob ng isang taon para lang habul-habulin siya. Nasaktan mo siya. Nasaktan ka na nasaktan mo siya. Nasasaktan ka para sa sarili mo and maybe, that's the reason why she can't accept you. Dahil tulad mo, nasasaktan din siya para sa sarili niya."

Napailing siya at bumuntong hininga habang ako ay nablanko. "I don't know if you get my point but. . ." Kinagat niya ang labi niya. "I admired you because of your love for her but believe me when I say na kahit kailan, hindi ko ginustong kunin ka sa kanya dahil lang gustong-gusto kita."

"I know." Ngumiti na lang ako at tumingin sa sahig. "In own ways, George, pinagtatanggol kita hindi dahil sa nararamdaman mo at sa naramdaman ko sa'yo." She stiffened. "But because you've done your part. Wala kang ginawang masama. But some people think otherwise, kasi hindi nila alam kung ano yung buong kwento, di ba?"

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now