CHAPTER 71 : LET GO

24.5K 835 222
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : LJOYCE RAMOS GUERERRO

CHAPTER 71 : LET GO

Naputol lahat ng inaalala ko nang magsalita si Georgia.

"Wala ka talagang balak magsampa ng kaso?"

Huminga ako nang malalim. "Walang makakapilit sa akin."

"Napakamakasarili mo, alam mo 'yon?" Inis niyang wika. "Hindi mo ba inisip na halos mamatay sa pag-aalala yung ama mo nung nalaman niya ang balita? Pati ang team. Be fair to them. Hindi yung sa iisang tao ka lang maglalabas ng hinaing mo."

"Tama na 'yon." Maikli kong tugon.

"Para sa'yo, tama na, pero sa mga taong may pakialam pa rin sa lagay mo, that was a big deal." Nilingon niya ako. "Sino ba yung Luke na 'yon maliban sa pinsan siya ng ex mo? There's something wrong with him. Hindi ko alam kung sobrang protective niya sa pinsan niya o sadyang may sayad siya sa utak. Masyado naman ata siyang marahas para ipabugbog ka nang dahil lang sa nasaktan mo si Rhea. At bakit ba mukhang sarap na sarap ang mga tao na husgahan ka nang 'di nalalaman ang side mo?"

"He was my bestfriend."

Kumunot ang noo niya. "And then? May atraso ka sa kanya na labas do'n sa issue niyo ni Rhea?" Umiling ako ngunit hindi sumagot. Minura ako ni Georgia. "Bwisit ka! Kailangan bang sakalin kita bago ka sumagot, ha? Magkusa ka naman!"

Napapikit ako sabay buntong hininga. "May alam siyang hindi ko alam. May rason ang galit niya."

"Ano 'yon?"

Napatingin ako sa sahig. Kumuyom ang kamao ko at tumiim ang aking bagang. "Nag-attempt raw si Rhea magsuicide. Galit na galit siya dahil ro'n."

Nalaglag ang panga ni Georgia. "W-what?"

Pumikit ako nang mariin. "Hindi ko alam kung gaano katotoo."

"Wait, wait. . ." Napahawak si Georgia sa kanyang noo. "Nag-attempt ng suicide ang ex mo dahil saan? Sa break-up niyo?"

Hindi ko 'yon masagot. Hindi ko rin maintindihan. Kung sakali mang totoo 'yon, gusto kong malaman. Kung dahil ba 'yon sa akin o dahil sa ibang bagay. . .

Pero iyon ang pagkakasabi sa akin ni Luke nung gabing 'yon. Ako ang sinisi niya. Dahil raw sa akin kung bakit naging gano'n si Rhea.

"Hindi ko alam kung illogical bang isipin na nagtangkang magpakamatay ang ex mo dahil sa'yo? E di siya ang kumawala? Di ba siya ang nagdesisyon para sa inyong dalawa? Ikaw ang iniwan niya sa ere tapos gano'n? Wow." Nagpakawala siya nang naiiritang paghinga. "And your old friend got carried away by that idea. Alam ba niya kung anong nangyari sa inyo ng pinsan niya? You know what, Ren? Tingin ko salot ang mga pinsan niyo ni Rhea sa naging relasyon niyong dalawa."

Napabuntong hininga ako at  tumingin kay Georgia.

"Kung totoo mang ginawa ni Rhea 'yon, hindi ko masisisi si Luke kung ako ang pagbubuntunan niya ng galit."

"Wala kang kwenta." Gagad ni Georgia. "Ikaw na nga ang nabugbog, ikaw ang magpapakumbaba sa kanila? Napakaliit lang ng kasalanan mo nung nag-away kayo ni Rhea pero pinalaki ng mga taong nasa paligid niyo which is so ironic dahil sila pa yung mga taong may concern sa inyo. Yung ginawa sa'yo nung Luke na 'yon, hindi papanigan ng batas. Akala ko ba matalino ka? Hindi mo ba naisip na malaking insulto 'to lalo na't abogado ang Daddy mo?"

"May koneksyon rin sila. Kaibigan ni Dad ang mga Marval."

"But I'm sure your Dad won't tolerate this case lalo na't ikaw ang involve. Huwag ka na ngang magmatigas, Ren." Humalukipkip siya. "Alam mo? Kung pumayag ka na kausapin natin si Rhea, tingin ko hindi na nangyari 'to."

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now