LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL

39.3K 1.4K 901
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : FATHY AMANDA BARBOZA

(Note : Not a fast phase but had a series of flashback. And I know, bitin. Hehe. Lagi naman, eh.)

LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL

'RLM blog will be no longer RLM because today is the day of ultimate change which I patiently (and impatiently) waited for years. However, I've never thought that this day would take this long and I could cope up with series of changes in my twenty-eight years of existence. For a little trivia, it has been
more than a decade since my first post in this blog and I consider this quite of an achievement. I mean, wow, ang tyaga ko pala magsulat and, wow, hindi pala ako madamot sa opinyon at sarili kong karanasan. I've been writing and sharing my life for eleven years, though this was never included in my to-do list when I was a young spunky teenager. I wonder what will the fourteen year old me would say if ever she saw me sharing a sentimental and fucked-up experiences that I've been through. Can't imagine. Siguradong nagmumura na 'yon at tumatawa

RLM will be no longer RLM, not because I'm going to stop posting. No need to freak out. This became my silent world and I would never  think of destroying the sanctuary of my words.'

Nahinto ako sa pagtatype nang may pumasok sa silid. Nakita ko ang bestfriend ko na nakangiti sa akin. Pasimple akong nagclick para ibang tab ang lumitaw sa screen at hindi niya makita ang ginagawa ko.

"What are you doing?" Marahan niyang tanong.

Nagkibit balikat ako. "Just searching stuff. Inaabala ko lang ang sarili ko."

Anne gave me her understanding smile. She didn't change despite the number of years that have passed. Nakabalik siya nang Pilipinas years ago at ngayon ay isa ng doktor sa sarili nilang ospital. She became mature-looking lady but still has that angelic aura. Ang pinagkaiba nga lang ngayon ay maikli na ang kanyang buhok, 'di tulad ng dati na sobrang haba. Binalik ko ang ngiti niya.

"Marami na raw tao sa simbahan. Tinawagan ako ni Dad."

Napawi ang ngiti ko. Parang namilipit ang sikmura ko sa sinabi niya Napaiwas ako ng tingin at pinagsalikop ang mga kamay kong nagsisimula nang manginig. Kanina ko pa pilit na tinatago ang kaba. Actually, ilang araw na. I was so nervous, and excited at the same time. The thrill and joy rushed into me. Napatitig ako sa salamin at tinignan kong mabuti ang repleksyon ko.

"You're so beautiful, Rhea." Lumapit si Anne at hinaplos ang buhok kong sobrang haba na ngayon. I prefer it simple kaya hindi ko na masyadong pinaayos kahit nagpipilit ang mga stylist kanina. Tuwid ito at bagsak hanggang baywang ko. Ang tanging ayos ay ang tirintas sa magkabilang gilid ng sintido ko na inikot sa likod at ang white pearl headpiece sa gilid ng ulo ko.

"Your groom will cry once he saw you." She giggled. Natawa rin ako.

I doubt that. Maybe, I'll be the one who's going to cry before him dahil ngayon palang ay nag-iinit na ang mata ko. Paano pa kaya pag nakita ko na siya?

"Hey, hey, no crying here." Paalala ni Anne. "Masisira ang make-up mo. Save your tears for the best moment." She winked at me. Huminga naman ako nang malalim. Masyado akong atat. Wala pa nga ako sa ceremony. Natigilan ako nang may maalalala.

"Uhm, Anne?"

"Hmm?"

"Pupunta ba si Shinn?"

Natigilan si Anne. "Hindi niya ba nasabi sa'yo na may scheduled operation ang pasyente niya ngayon?"

"Nasabi niya na sa akin kahapon." Pero umaasa ako na pupunta siya. Dalawang tao lang ang nilagay ko sa best man. Yung isa, hindi ko rin alam kung pupunta pa dahil galing iyon sa ibang bansa. Napabuntong hininga ako.

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now