LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE

42.7K 1.1K 774
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : MARIEL GERODIAS ESTAMPA

(Note : 5 parts ang Last Chapter. The first part will be George's last point of view. The rest is for the other POVs. I bet you already know the sequence. Fast phase.)

LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE

Kumakalma ang pakiramdam ko habang nakatingin ako sa dagat. First time ko sumakay ng ferry. Hindi gaanong marami ang tao rito sa deck. May iilan lang akong kasama na sumusungaw sa dagat at malayo ang distansya ng mga pasahero sa akin. Napatingin ako sa kanang bahagi at nakita kong mag-asawa ata ang nando'n. Napaiwas ako ng tingin at muling bumaling sa dagat.

Hindi na dapat ako naninibago mag-isa. Ilang taon na akong ganito, di ba? Independent. Pero mahirap lokohin ang sarili. Hindi ko kailangang magsinungaling na kahit papaano ay dumipende rin ako sa iba. Hindi ko nga lang magawang ibigay ang sarili ko sa iisang tao ng buo dahil naniniwala akong kapag ginawa ko 'yon, mawawasak ako. Tinatak ko sa isip ko na sarili ko lang ang meron ako at pag nasaktan ako ng sobra, ako lang din ang lalaban para sa sarili kong kapakanan. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ko maibaba ang pride ko. Hindi ko gustong iyakan ang mga bagay na nakakasakit sa akin pero minsan, hindi talaga maiiwasan.

Tinukod ko ang siko ko sa rills. Huminga ako nang malalim at pumikit. Marami akong iniisip. Simula sa mga nangyari nitong nakaraang buwan hanggang sa nangyari nitong linggo lang. Inaalala ko si Ren. Nakaalis na kaya siya? Tumuloy ba siya o naging sila ulit ni Rhea?

Napadilat ako sa pag-atake ng panibagong sakit. Muli akong napahinga nang malalim. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing maaalala ko siya. Hindi ko pinagkait sa sarili ko ang mahalin si Ren. Alam ko sa sarili ko na minahal ko siya. Napahawak ako sa rills nang mahigpit. Biglang nanghina ang tuhod ko.

Nakaiinis mang isipin na hindi ako masyadong nag-expect sa una. Ayokong mag-expect ng mataas sa kanya kaya nilimitahan ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag. Mahirap kasing aminin na ako pa ata ang mababaw magmahal sa naging relasyon naming dalawa. 'Coz I have doubts, too. Hindi 'yon nawawala. Pero siya?

Napakagat ako sa aking labi at muling pumikit. Sumingit na naman ang mga alaala. Yung araw na sinabi niya sa akin na nag-usap sila ni Rhea, nanlamig ang katawan ko. Do'n kumawala lahat ng pag-aalinlangan ko. Na kahit hindi siya nagkukulang sa oras sa akin at hindi siya nagpapakita ng pag-aalinlangan, may pakiramdam ako na darating yung panahon na iiwan niya pa rin ako. Akala ko 'yon na 'yon.

"Babalik ka na ba sa kanya?" Nilabas ko ang lamig na aking nararamdaman. Nakita ko siyang pumikit nang tanungin ko siya at mas lalo lang lumakas ang kutob ko. Iiwan niya na ako.

"Why are you asking me that? Bibitawan mo rin ba ako?"

Nagulat ako sa tanong niya kaya napaharap ako. Alam ko na ayaw niya ng gano'n. Ayaw niya na ulit maranasan ang gano'n. Na binibitawan siya basta-basta at iiwanang lumaban mag-isa. Pero ako? Anong silbi ko rito?

"Kapag naoobliga ka na lang na manatili sa akin, masmagandang sabihin mo sa akin agad na ayaw mo na kaysa maramdaman ko na mahal mo pa rin siya." Naiiyak na ako pero pinipigilan ko.

At the first place, ba't nga ba ako pumasok sa relasyong 'to? Easy. Wala na, eh. Nahulog na nang tuluyan. Sinalo niya ako pero ayoko ng ganitong pakiramdam. Na kahit wala naman akong nakikitang mali sa relasyon namin ay nararamdaman kong may kakompetensya ako. Kahit ilang beses niyang sabihing walang kumpemtisyon na nangyayari.

"Did I make you feel like that? Tingin mo ba mahal ko pa rin siya?"

"Ako ba ang sasagot ng tanong na 'yan para sa'yo?" Umiwas ako ng tingin. Shit. Ayoko marinig dahil magmumukhang kawawa. Masmatatanggap ko pa na masama ako sa paningin ng lahat kaysa maging gano'n. Hindi ko kailangan ng awa.

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now