CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM

28.3K 1K 745
                                    

#SAT9S



CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM


Hindi ako nakapagsalita pabalik. Katulad nung una niyang tinanong 'yon sa akin, naghalo-halo na naman ang emosyon ko. Tila nagkaro'n ng riot sa loob ko ngunit hindi ko malaman kung ano ang sinisigaw no'n. Hindi ko na na-gwardyahan ang puso ko at parang tuluyan na itong bibigay. Maliit na sinulid na lang ang nagdudugtong sa pride at damdamin ko.


Umiwas ako ng tingin sa kanya.


"Huwag mo na lang akong pakialaman." Mahina kong tugon.


"Hindi mo talaga aaminin sa akin na nahihirapan ka na?"


"Ano naman sayo kung nahihirapan na ako?" Nilingon ko siya. "Masmabuting lumayo ka na lang din kasi kahit sabihin ko sa sarili ko na huwag ako umasa sayo. . .kahit pinipigilan ko, wala akong magawa. Napapaasa ako sa wala kahit alam nating pareho na wala naman akong maasahan sayo. Ang end game, hanggang asa lang ako."


Sumandal siya sa upuan at nagbuntong hininga. "Mas maganda na nailalabas mo ang nararamdaman mo."


"Kahit wala akong napapala?" Patuya akong tumawa. "Kalokohan."


"Oo, kahit wala kang napapala."


"Madaling sabihin 'yan para sayo dahil hindi ikaw ang nasa posisyon ko. Hindi mo naranasan yung naranasan ko kay Oliver. I bet hindi ka pa nafa-fall sa taong pagmamay-ari na ng iba. Ano pang magagawa ng payo mo? Wala rin 'yang kwenta." Napailing ako at walang buhay na tumawa. "Hah! Hindi nga nakikinig sa akin ang damdamin ko. Sayo pa kaya?"


"Eh, ano bang masmaganda? Pagpapakatanga o pagsi-self destruct?"


Kumunot ang noo ko. Naguluhan sa sinabi niya. "Anong kinalaman no'n sa nararamdaman ko?"


"Aminin mo, depress ka na. 'Yan ang napapala ng nasanay sa katatago at kakalayo. Nagsasarili ng problema pero hindi naman talaga kaya." Naiiling niyang sabi. "Hindi mo ba pa nari-realize 'yon? Napapabayaan mo na ang sarili mo dahil sa kagustuhan mong lumayo sa akin."


"Anong gusto mong gawin ko? Dumikit ako ng dumikit sayo? Ikaw ba ang mahuhusgahan? Hindi. Ako. Teka nga, sa mga sinasabi mong 'yan, parang gusto mo atang umasa ako sayo."


"'Yan ba ang tingin mo?" Sinulyapan niya ako sandali. Inirapan ko siya at umusog ako sa dulo ng bench. Ngayon ko kinakastigo ang sarili ko kung paano ako nagkagusto sa taong 'to. "Na papaasahin kita?"


"Hindi ba?" Matapang kong tanong na tila naghahamon. "Ganyan naman kayong mga lalaki. Naranasan ko na 'to noon. So, I know better."


Natawa siya. Inangkla niya ang kanyang braso sa likod ng bench at tumingin siya sa kalangitan. "You know what? Minsan naisip ko kung may katulad pa ba ako sa mundong 'to. Nahihirap na kasi akong makipag-usap sa illogical na tao."

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now