CHAPTER 69 : ALONE

26.5K 918 353
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : Rizza Fisico Millan

(Note : Sorry for my absences. Back to regular updates. Don't mind my errors. Hindi na nabackread para ma-edit ng pulido. Huhu. Forgive me. AND, I just want to congrats Harmony Torres Dizon for passing the board exam. You go, girl! So proud of you. I keep my promise. ;))

CHAPTER 69 : ALONE

Minsan, kahit anong pagsisikap nating isalba ang isang bagay, hindi natin nagagawa nang maayos dahil masyado itong mabigat. Sa pagsisikap kong isalba ang relasyon namin, napagtanto kong hindi ko 'yon kaya mag-isa. At ang resulta, lumubog ako. Kumawala siya at naiwan sa akin lahat ng bigat na pilit kong pinapasan.

Umuwi ako sa apartment ko na blanko ang pag-iisip. Hindi ko kayang isipin ulit ang mga nangyari kanina dahil nakamamanhid 'yon nang sobra. Hindi ko nagawang umiyak mag-isa dahil hindi pa rin ako makapaniwala.

Ganito pala ang pakiramdam kapag ibinuhos mo ang atensyon mo sa isang bagay ngunit wala kang napala. Hindi ako sanay na natatalo pero sa lahat ng laban, ito ang mahirap isuko. Hirap na hirap akong aminin sa sarili ko na naipatalo ko ang relasyon namin ni Rhea.

Pride? Tanginang pride. Mukha bang mero'n pa ako no'n? Inalis ko 'yon sa katawan ko magmula nung nagmakaawa ako sa kanya. Dinurog ko 'yon dahil ayokong may maidagdag siyang sumbat sa akin. May napala ba ako? Wala pa rin, di ba?

Hanggang kailan ako magtitiis? Shit. Kailangan ko pa rin bang magtiis? Bumitaw na siya. Ayaw na niya. Sinampal niya na sa akin lahat ng salita kanina. Nagdesisyon na siyang kumawala. Napagdesisyunan niyang tapusin kung ano ang natitira sa relasyon naming dalawa.

Masisisi ko ba siya? Napapikit ako nang mariin. Nag-iinit ang mata ko. Somehow, inaamin kong gusto ko magalit. But I can't just blame her after what happened. Siguro ay talagang pagod na siya. Siguro ay ayaw na niya dahil napipilitan na lang siyang pagbigyan ako.

Bumangon ako sa kama at napasabunot sa aking buhok. Ilang hinga nang malalim ang ginawa ko dahil pakiramdam ko ay literal na iniipit ang katawan ko. Hindi ko alam na ganito kasakit. Nasasaktan na ako mula pa nung simula pero nagawa kong magtiis. Ngayon, hindi ko na alam kung paano ko  pa 'to iindahin.

Napuyat ako sa walang kwentang pag-iisip. Hindi ko alam kung anong oras na. Hindi ko mapagdesisyunan kung lalabas pa ba ako ng apartment. Anong gagawin ko kung sakaling lumabas ako? Sundan ulit si Rhea? Magmakaawa ulit? Magpakatanga hanggang sa maubos ako?

Hindi na 'yon mangyayari dahil ngayon palang ay wala ng natira sa akin. Ni hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Anong babalikan ko sa Pilipinas? Paano ko pakikiharapan si Dad? Paano ako aalis rito?

Isang araw akong nagpahinga at hindi lumabas ng apartment pero pakiramdam ko ay pagod na pagod pa rin ako. Nung lumabas ako, wala naman akong ibang ginawa kundi palihim na sundan si Rhea papasok sa university. Sa gabi, hihintayin ko siyang lumabas at sisiguraduhing nakakauwi siya nang maayos.

She seems fine. Parang wala lang sa kanya ang nangyari. Sa tuwing makikita ko siyang nakikipagtawanan sa mga classmates niya bago siya umuwi, nasasaktan ako at napapapiwas ng tingin. Nakikita ko kasi na kaya niya na wala ako. Nakikita kong masaya siya na wala na kami.

Paano naman ako?

Ilang araw na gano'n ang ginagawa ko bago ko nakumbinsi ang sarili ko na bumalik sa trabaho para makauwi ako sa Pilipinas. Konti lang naman ang kakailanganin para makabili na ako ng ticket pabalik.

Yes, I'm leaving. I should leave as soon as possible. Ang manatili rito nang matagal ay masmakapagpapabaon sa sitwasyon ko. May mga pagkakataong gusto ko ulit lapitan si Rhea para kausapin pero nakakadala. Lalaki ako pero tao pa rin. Pakiramdam ko, kapag narinig ko ulit sa kanya ang mga salitang 'yon, wala na akong mukhang ihaharap sa mundo. I should give myself a little consideration. Sa loob ng isang taon, lahat ng pabor ay binigay ko sa kanya. How about me? Dahil lang ba sa nagkamali ako, wala na akong karapatang depensahan ang sarili ko? Hindi na 'yon katangahan. Isa na iyong malaking kagaguhan.

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon