CHAPTER 28 : SERVICE

28.8K 964 678
                                    

#SAT9S



DEDICATED TO : Xyrelle Mae Solijon



CHAPTER 28 : SERVICE


"Ba't hindi ka makasagot?" Sabi ko sa mahinang boses kahit nag-aalab na ang emosyon ko at gusto ko na manakit. Parang minamartilyo ang puso ko habang naghihintay ng kanyang sagot. Halos hindi ko na siya makita dahil sa pagbuhos ng luha. The pain is too extreme. I'm near on bursting.


Umiling siya at nagtangkang lumapit sa akin pero umatras ulit ako. Napapikit siya ng mariin at muling napatda sa kanyang kinatatayuan.


"Hindi ko alam." Sagot niya.


Umawang ang bibig ko. Hindi makapaniwala. "Hindi mo alam?" Mapait akong tumawa. "Ren, napakadaling tumanggi kung hindi! Ba't ka pa mag-aalangang sabihin 'yon kung wala kang nararamdaman sa kanya?"


Natahimik siyang muli. Namumutla ang kanyang mukha. Tila kinakalma ang sarili habang malapit na akong sumabog sa hinanakit.


Masyado ata akong naging kampante sa kanya.  Hindi ko tinantya kung hanggang saan tatagal ang pagmamahal niya sa akin dahil ang akala ko ay ako lang. I never thought the possibility of him falling to any other girl is feasible. Ngayon lang ako natauhan na pwede pala 'to. Pwede siyang maagaw ng iba. Pwede siya mawala sa akin.


Mas lalo lang ako nainis sa aking naisip at pinatindi nito ang sakit na ilang araw kong ininda.


"Umalis ako at nag-aral sa ibang bansa dahil sabi mo para sa atin 'yon. Nagtiis ako ng dalawang taon kahit labag sa loob ko na mahiwalay sayo kasi 'yon yung gusto mo! Ikaw yung pumilit sa akin na manatili sa New Zealand at pumayag ako kasi kampante ako na ako lang at wala akong kaagaw sayo!" Hindi ko na napigilang sumigaw at manumbat. Lahat ng iniisip ko ngayon at lahat ng sakit na naipon ko ay nilabas ko na dahil punung-puno na ako.


"Rhea, ikaw lang-"


"No! Not anymore!" Kinagat ko ang aking labi. Nanginginig ako. Gusto ko siyang saktan. Paano niya nagawa sa akin 'to? "Wala akong nagustuhang ibang lalaki nung nasa Spain ka. Dinistansya ko yung sarili ko sa ibang lalaki nung nasa New Zealand ako dahil iniisip kita. I secured my feelings for you but you didn't do the same! So, tell me, ako lang ba yung lumalaban sa relasyong 'to?"


"Pakinggan mo ako." Nakikiusap ang kanyang mga mata ngunit kinakain na ako ng galit para pagbigyan pa siya. "Please. . ."


"Anong papakinggan ko sayo? Hindi ka nga makasagot sa akin. Simpleng tanong pero ang sagot mo, 'hindi ko alam.' Anong mapapala ko ro'n?"


Tinalikuran ko siya at binalingan ang mga gamit ko sa kama. Basta ko na lang nilagay ang natitirang gamit at sinara ang bagahe ko. Niyakap niya ako mula sa likod gamit ang isa niyang braso at siniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ko. Nanghina na naman ako pero imbis na bumigay sa kanya ay mas tumindi lang ang sakit na nararamdaman ko.


"I'm not sure with my feelings for her but I'm certain that you're the one the I love and would always choose you over her, over anything else." Humigpit ang yakap niya sa akin. "Lumalayo na ako sa kanya. Lumalayo na rin siya sa akin 'coz we both know that there is no chance between us. I love you. Alam niya 'yon." Mabilis niyang paliwanag na tila nagpapanik. Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang braso.

Stuck At The 9th StepΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα