CHAPTER 27 : ENDS

28.2K 1K 653
                                    

#SAT9S



DEDICATED TO : JOYCE D. LIBRON



CHAPTER 27 : ENDS



Hindi ko pinaalam kay Ren ang pag-uwi ko sa Pilipinas. Dalawang tao lang ang napagsabihan ko. Si Kuya Rex at Shai. Inabisuhan ko pa si Kuya Rex na huwag ipaalam sa kahit kanino na nakaalis na ako ng New Zealand.


"Bakit naman ayaw mong ipaalam? May sosorpresahin ka ba?" Natatawang sabi ni Kuya habang nag-eempake ako. Pilit akong ngumiti. Nung nakaraang araw pa ako nagpupumilit na maging masigla. Tumatabang ang pakiramdam ko at pinipilit kong huwag ipahalata ni Kuya.


"Basta huwag mo na lang sabihin."


"Paano pag may tumawag sa akin? And what about Ren?"


"Just cooperate, Kuya. Gusto ko lang umuwi ng tahimik. Ako na ang bahala ro'n pagbalik ko."


"If that's what you want." Nagkibit na lang ng balikat si Kuya. "Ipaalam mo agad sa akin kapag lumapag na ang eroplano, okay?"


Tumango ako at pinagpatuloy ang pag-eempake. Nang lumabas ng kwarto si Kuya ay napatigil ako at umupo sa gilid ng aking kama. Tinignan ko ang mga gamit kong nakaladlad pa hanggang sa napatulala na lang ako ro'n.


Nagkakausap pa rin kami ni Ren. May kumukurot sa dibdib ko sa tuwing magrereply ako sa kanya. Tinatago ko ang nararamdaman ko. Natatakot akong baka mag-away kami. Hindi pa kami nag-aaway ng malala simula nang mapunta ako ng New Zealand at kung sakali mang may dapat kaming pag-usapan, hindi  ko gustong sa telepono lang. Gusto ko ng harapan. Gusto ko makita ang mukha niya para malaman ko kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.


Nagtitiis ako sa chat naming dalawa. Panay ang hinga ko ng malalim para hindi maging malamig sa kanya. Ayokong magduda siya. May oras para makapag-usap kami ng masinsinan at hindi pa 'yon ngayon.


Me : You okay? Kamusta ang practice mo.


Ren Delgado : It went well.


Me : Talaga? Excited na akong mapanuod ka ng basketball.


Wala sa loob na naihagis ko ang cellphone ko sa kama at kinuha ang aking unan para umiyak ro'n. Hindi ko alam kung paano ko nasasakyan ang pagsisinungaling niya sa akin. Ang bigat sa dibdib na alam ko yung totoo at hindi ko man lang siya makamusta. Gustong-gusto ko siya kamustahan at ang sakit sa pakiramdam na wala ako ro'n ng maaksidente siya.


Naalala ko yung chat namin ni Shai.


Me : Aksidente? Naaksidente siya? Anong klase?


Me : Hindi ko alam. Ba't hindi niya sinabi?


Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now