CHAPTER 12 : FLIGHT

28.7K 1.1K 430
                                    

#SAT9S


I'M FIGHTING THE URGE OF KEEPING THIS ON HIATUS STATE.


CHAPTER 12 : FLIGHT


Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at nanlaki ang mata ko kasabay ng pag-awang sa aking bibig. Inurong ko ng bahagya ang aking ulo habang titig na titig sa kanya. A-anong gagawin niya?


"Uy, ano 'yan?" Singit ni Orly na nasa likod pala namin.


Sumingot-singot si Ren sa harap ko at parang inaamoy ako. Unti-unting kumunot ang aking noo kasabay ng pamumula ng mukha. Siraulo 'to, ah.


"Hoy, ano na 'yan?" Si Kenedic naman ang sumigaw. Wala sa loob na inilapat ko ang aking kamay sa buong mukha ni Ren para ilayo 'yon.


"Ito kasi, eh." Sabi ni Ren sabay turo sa akin. "Hindi naman uminom pero parang lasing kung magtanong."


Mas lalong umawang ang bibig ko. "Masama ba?"


"Mukha ba kong 'batang-ama?'" Sabay tapon sa akin ng masamang tingin. Ngumuso ako. Parang nangati ang kamao kong sapakin siya.


"Wala naman sa mukha. Malay ko ba? Looks can be very deceiving nga raw, di ba?"


"What the hell?" Napailing sabay buga ng naiiritang paghinga. "Saan mo ba narinig ang tsismis na 'yan?"


"Wala!" Pagsisinungaling ko. Inirapan ko siya pagtapos.


"Naniwala ka naman agad?"


"Hindi! Kaya nga nagtanong ako, di ba?"


"So, may nagtsismis nga?"


"Wala nga!" Tinalikuran ko siya sabay halukipkip. Ang galing naman magpaikot ng usapan ng taong 'to. Talagang nag-a-analyze? Anong klaseng utak meron siya?


Narinig ko ang paghinga ng malalim. Nakita ko si Orly at Kenedic na nakatingin sa aming dalawa ni Ren. Agad na nagbawi ng tingin si Orly. Si Kenedic ay nanatiling nakatitig sa akin sa loob ng ilang segundo bago siya umarap?


Halos magdikit na ang ilong at nguso ko sa nakita kong ginawa niya.


"Anong ginawa ko sayo para irapan mo ako? Sabihin ko at nang madukot ko na 'yang mata mo."


"George, George, George. . ." Mayro'n na namang umakbay sa akin at pamilyar ang bigat ng braso ni Ervis kaya alam ko agad na siya 'yon.


"At ikaw, grumaduate ka na't lahat, ginagawa mo pa rin akong sampayan ng malaki mong braso!"


"Gabi na pero mas mainit pa sa sikat ng araw 'yang ulo mo." Hinawakan niya ang ibabaw ng ulo ko ngunit agad ring bumitaw para mang-asar. "Aray! Napaso ata ako."

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now