CHAPTER 31 : LAST STRIKE

28.3K 1.2K 795
                                    


#SAT9S



DEDICATED TO : ATHENA LENG IBANEZ



CHAPTER 31 : LAST STRIKE



May damdamin pala talagang kahit gusto mo itatak sa buong pagkatao mo ay kusa ring nabubura nang hindi mo namamalayan. Yung pakiramdam na gusto mong angkinin ang isang tao dahil inilalatag niya ng buo ang sarili niya sayo pero mas inuunahan ka ng takot na kapag nakuha mo na siya ay baka masaktan ka lang  ulit.


Akala ko ay sobrang tapang ko na. Sa dami ng napagdaanan ko ay in-assume ko na agad na matatag ako. Sa dami ng nangyari bago mabuo ang relasyon namin ni Ren at sa paglampas namin sa bawat pagsubok, in-expect ko na wala ng masmalala pa ro'n. Taas noo akong naniwala na matatag ang pundasyon namin sa relasyong 'to. Ngunit kahit gaano katatag ang pundasyon, may weakest point pa rin. Nakapanghihinayang na dahil lang sa nangyari ay mawawala ang lahat.


Hindi pala siya gano'n kalakas para i-resists lahat ng temptations habang wala ako at hindi rin pala ako gano'n kalakas para sumugal ulit at tanggapin siya.


"Stay away." Nang sabihin ko 'yon ay agad ko siyang tinalikuran. Tumakbo siya sa aking harapan at hinawakan ang magkabilang siko ko. Napasulyap ako sa balikat niyang wala ng cast. Magaling na siya.


Nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya sa paglunok. Hindi ko kayang tumingin sa kanyang mata. Wala akong ideya kung nasaan na ang pakialam ko. Tila naging bato ang puso ko at ayoko pa rin siya makausap.


"Galit ka pa rin ba sa akin?" Prantiko niyang tanong.


Pumikit ako. Tumiim ang aking bagang sa tanong na 'yon. Ang dating sa akin ay nagpapatay malisya at iyon ang pinakaayoko.


"Let me go. Pagod ako sa byage. Uuwi na ako." Iwinisik ko ang aking braso para bitawan niya ako. Binitiwan niya nga ako at nilagpasan ko siya. Tumingala siya sa kalangitan at humugot ng malalim na paghinga.


"Rhea. . ." Pinipilit niyang maging mahinahon. Ramdam ko ang pagpipigil niya sa kanyang emosyon. "I already gave you time. I'm missing you."


I should be happy, right? Dapat masaya ako na naririnig ko sa kanya 'yan ngayon pero taliwas ro'n ang nararamdaman ko. Bumalik na naman ang sakit at kailangan ko na namang pigilan ang sarili kong umiyak. Nakasasawa ang ganito pero wala akong magawa kundi iayon ang nararamdaman ko sa sitwasyon. Gusto ko na lang isawalang bahala lahat mawala lang yung sakit. Hindi ako nakasagot sa kanya. Muli siyang lumapit sa akin.


"Please, Rhea. Alam mong hindi ako titigil."


Patuya akong ngumiti at umiling. "Ba't hindi ka na lang bumalik ng Pilipinas? Total naman magkakapagpasarap ka na ro'n at hindi mo na ako kailangang alalahanin."


Maang siyang napatitig sa akin. "Huwag ka namang ganyan."


Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now