CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE

31.4K 989 1.2K
                                    

#SAT9S


DEDICATED TO : ANA SALVIO


CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE


Matagal na sandali ang lumipas bago ako nakabawi. Inalis ko ang pagkakatitig ko sa kanya at napakagat sa aking labi. Hindi ko na nagawang magsalita pagtapos no'n. Parang may kung anong bagay na dumagan sa akin, pinipipi ang aking katawan sa sakit, dinudurog ng pino ang puso ko at nagpapahirap sa aking paghinga.


Nagbreak sila. Gusto ko sanang malaman kung kailan at bakit pa umabot sa gano'n pero wala akong maisip na tamang salita para ro'n. Dumadagdag pa ang katanungang saan ba siya nanggaling at ba't kailangan niya huminto sa pag-aaral? Sayang ang isang taon.


Pumikit ako sandali. Sumandal sa sofa. Hindi ko akalain na maibabalik niya ng gano'n kadali ang bigat ng damdaming pilit kong ibinaon sa limot nung umalis siya.


Tahimik siyang uminom at hindi na dinugtungan pa ang sinabi niya. Tumikhim ako at tumingin sa sahig. Hindi ko siya kayang tignan. Hindi ko kayang makita ang sari-saring emosyon na nakabalatay sa kanyang mukha. Masyadong malakas ang dating ng sakit at parang kaya niyang ipasa 'yon sa iba sa pamamagitan lang ng isang tingin.


Pamilyar ang nararamdaman kong panghihina. Huli ko 'tong naramdaman isang taon na ang nakalipas. Ngayon ay bumalik dahil muli ko siyang nakita. Ano ba talagang meron sa kanya?

"I'm sorry to hear that." Bulong ko. Napakagat muli ako sa aking labi. Hindi pa rin lubusang bumabaon ang ideya sa aking isip. Marahil ay naghahanap ako ng rason. Isang malalim na rason. Maaari ring isang kompirmasyon. Kompirmasyon na baka ako ang rason na 'yon.


Natatakot ako magtanong. Wala akong lakas ng loob. Ano bang karapatan ko para malaman pa 'yon?


Wala.


Hindi na siya sumagot kaya tumayo na ako para umalis. Naramdaman ko kasing tila nakatulala na lang siya sa sahig. Nawalan ng pakialam sa presensya ko at sa ingay na nagmumula sa labas. He spaced out.


Nakaramdam ako ng bahagyang awa. Hindi man niya isinatinig ay kaya ko na hulaan ang epekto sa kanya ng hiwalayang 'yon. His devastation is pretty obvious. Minsan ko lang siya mabasa at iyon ay sa tuwing magpapakita siya ng emosyon. Ang mga emosyong nakita ko sa kanya ay sapat na para makumpirmang naghihirap siya sa sakit.


Nang makalabas ako ng sala ay hinanap ko si Nathaniel para magpaalam ngunit hindi ko siya nahagilap. Umuwi na lang agad ako at nagtext na lang. Pagkauwi ko ay 'yon pa rin ang aking iniisip. Ang hirap tanggalin sa utak. Hindi ako nakatulog agad. Napuyat ako nang dahil do'n.


Paggising ko kinabukasan ay may reply na si Nathaniel.


Nathaniel : Umuwi ka mag-isa? Nakauwi ka ba ng maayos, Manager?


Kinusot ko ang aking mata bago nagreply. Humihikab pa ako habang nagko-compose ng text.


Ako : Yeah. Hindi kita mahagilap kagabi.


Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now