CHAPTER 35 : OLD SELF

27.8K 1.1K 618
                                    

#SAT9S


DEDICATED TO : Zsaira Amber Marfil Rabino



CHAPTER 35 : OLD SELF


"Five." Sambit ko kasabay ng aking pagdilat.


Though, I'm not sure if the number could justify the rate of my pain. It's just a number anyway. The reason behind it matters the most. Ngunit hindi ko na didibdibin ang mga rason. Hinayaan ko na lang na gano'n. Kailangan kong magbigay ng partida sa sarili ko dahil hindi na ako papayag na masaktan ulit ng sobra.


Hindi ko na kailangang tanungin kung paano niya nagawang maging masaya pagtapos ng lahat ng nangyari sa amin. Mukhang kontento at nasa maayos siya. It only means that our break up brings out the better version of Ren Delgado. Ngunit hindi ko kayang makipag-usap sa kanya na parang wala kaming nakaraan. It's not about bitterness. Minsan, ang pag-iwas ay pagbibigay respeto sa kung anong nawala sa amin.


Yumuko ako at pinagsalikop ang aking kamay. Bigla namang ipinatong ni Coby ang kamay niya sa akin kaya napatingala ako sa kanya. He's worried.


"Shall we go?"


Tumingin ako kay Tito Loren at Georgia na nag-uusap ng masinsinan. Bumalik na si Ren sa kanyang upuan. Huminga ako ng malalim bago bumaling kay Coby. "Hindi ba nakakahiya? Hindi pa natin siya nako-congrats."


"Gusto mo ba siyang i-congratulate?" Paninigurado ni Coby.


Ngumiti ako at muling tinanaw ang kinauupuan ni Ren. I want to but today is not the right time for that. That's going to be awkward.


Mukhang alam na ni Coby ang aking isasagot kaya pinangunahan niya na ako. "Mauna ka na sa kotse. Ako na lang ang magpapaalam kina Tito."


Tumango ako at tinungo ang exit ng theater. Nang makalabas ako ay sumalubong sa akin ang init at ihip ng hangin. Inilibot ko ang aking paningin sa field ng unibersidad na una kong pinasukan. Wala masyadong nagbago maliban sa simpleng renovation. Mayroon na ring malaking fountain sa tapat ng main gate. Tinungo ko kung saan nakapark ang kotse ni Coby. Hinahalukay ko ang phone sa aking bag.


"Miss, nalaglag mo." Napatingin ako sa likod ko at may lalaking nakatayo ro'n. Inaabot ang lipstick na hindi ko namalayang nahulog.


Nginitian ko ang  lalaki at umusal ng pasasalamat. Kumunot naman ang noo nito ngunit sandali lang 'yon. Tumango siya at gumanti ng simpleng ngiti. "You looked familiar."


Ako naman ang nagtaka. Hindi matantsa kung nagsasabi ng totoo ang lalaki o gasgas na paraan lang makipagkilala. Ilang sandali niya pa akong tinitigan bago nanlaki ang kanyang mata. "Are you. . .Rhea Marval?"


Nagtaka ako kung paano niya ako nakilala samantalang ni hindi ko man lang mamukhaan ang isang 'to. Naging kaklase ko ba 'to dati? Parang hindi naman.


"Yes." Lumunok ako. "I'm sorry pero hindi ka familiar sa akin."


Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon